HINDI naghain ng plea si Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari ng basahan ito ng sakdal sa kasong graft kaugnay ng text book scam.
Ang Sandiganbayan Third Division ang naghain ng not guilty plea para kay Misuari.
Kinailangang sumailalim sa arraignment si Misuari upang payagan siya ng korte na makapunta sa United Arab Emirates at Kingdom of Morocco. Siya ay pinaglagak ng P920,000 travel bond.
Bukas nakatakdang umalis si Misuari patungong Abu Dhabi at pupunta siya sa Morocco sa Marso 11. Inaasahan na babalik siya sa bansa sa pagitan ng Marso 17 hanggang 20.
Pupunta si Misuari sa Abu Dhabi para sa Organization of Islamic Cooperation Summit at sa Rabat, Morocco para sa Parliamentary Union of the OIC-Member States.
“This court is not oblivious to the fact that the accused-movant has an important role in the peace efforts in Mindanao, being the chairman and founding leader of the MNLF and that his presence in the cited sessions both in Abu Dhabi and Morocco may have some national significance in the efforts,” saad ng korte.
Si Misuari ay nahaharap sa dalawang kaso ng graft at malversation kaugnay ng umano’y ghost delivery ng mga P77.26 milyong halaga textbook mula 2000 hanggang 2001. Siya ay gubernador ng ARMM noon.
30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.