NIYANIG ng magnitude 4.0 lindol ang Leyte kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:48 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay walong kilometro sa kanluran ng Capoocan. Sanhi ang lindol ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity III sa Ormoc City. Intensity II sa Palo, Leyte at Intensity I sa Borongan City at Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending