May unemployment insurance na! | Bandera

May unemployment insurance na!

Alan Tanjusay - February 26, 2019 - 12:10 AM

DAHIL sa pagsasabatas ng Expanded Social Security System Law noong February 7, magkakaroon na ng unemployment insurance ang lahat ng SSS members approximately by June 2019.

Makakakuha ng 50 percent ng monthly salary credit sa loob ng dalawang buwan bilang unemployment insurance ang bawat miyembro na nawalan ng trabaho.

Halimbawa, kung ang monthly salary credit mo sa SSS ay P10,000 a month, makakakuha ka ng P5,000. Maaring mag-avail ng unemployment insurance ng hanggang dalawang buwan lamang.

Ibibigay ito sa mga unemployed para makaagapay at least sa loob ng dalawang buwan habang naghahanap ng panibagong trabaho.
Kaya importante na ang monthly contribution ay tama at tiyak na naihuhulog ng inyong kompnaya sa SSS.

Sa mga hindi pa nakakasiguro kung faithful nga ang kanilang employer, maaring i-check o i-verify ang remittances sa mga assigned SSS branches. Maari rin mag-check sa pamamagitan ng online.

Kapag napatunayan na hindi nagco-comply ang employer sa paghuhulog ng remittance, ireklamo kaagad sa SSS.
It is quite important to make sure that your SSS is and updated and correct.

Isang malaking tagumpay rin sa ating mga working women ang pagsasabatas ng Expanded Maternity Leave that grants 105 days of paid maternity leave to all working mothers in government and private sector with an option to extend their leaves for another 30 days without pay. Solo mothers will also get additional 15 days of leave.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending