Lolit Solis may hugot sa mga artistang namamatay ng walang ipon
PATAY na, pinatutsadahan pa.
‘Yan ang dating sa marami ng bagong aria ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account.
“Hindi ko talaga matanggap pag meron namamatay o nagkakasakit na artista na may panawagan para sa tulong. Kasi nga sa isipan ng tao malaki ang tinatanggap na bayad ng bawat artista o sinuman nasa showbiz.
“Tutoong hindi lahat maganda ang kita, pero kahit paano sana hindi umaabot sa puntong nakakaawa at kailangan humingi ng tulong. Isa iyon sa aral para sa lahat na dapat maghanda sa mga ganitong pangyayari.
“Ayoko sabihin na pangit dahil sa sitwasyon, pero hindi ba ayaw naman ng kahit sino na parang wala ka nang dignidad sa pagkawala mo dahil kailangan kang humingi ng tulong?
“Sana may naitabi, sana rin huwag nang gustuhin pang dapat mamahalin ang burol dahil nga artista. Sana rin huwag ng sa mahal na ospital kundi sa kaya at sana lalo na at maysakit ka maging maingat sa paggasta.
“Wala nang pinakakawawa kundi isang taong maysakit na humihingi ng tulong, ang sakit sa pride lalo pa nga kung sikat na sikat ka dati.
“At sana rin iyon tumutulong huwag ng maingay dahil nga kahit paano sana maitago ang kawalan ng tinulungan. Iyan sana maging aral sa mga kumikita ng malaki, ingatan natin dahil hindi natin alam kung ano mangyayari.”
Although she didn’t mention any name, it was obvious that she was referring to indie actor Kristofer King who recently died. Hindi pa kasi maasikaso ang libing nito dahil sa kakapusan sa pera. With that aria, na-bash si Lolit.
“There’s nothing wrong on asking for help especially if it’s about healthcare. Ano ang nakakahiya duon? At ang sakit sa pride? Sobrang Pinoy thinking yan. Sa ibang country hindi po ganyan meron talagang circumstances sa buhay kaya nanghihingi mg tulong .
“It’s true that you need to save for your future but TRUST ME THERE’S NOTHING WRONG AT HINDI NAKAKAHIYANG MANGHINGI NG TULONG.”
“INGATAN mo rin kalusugan mo Manay kung hindi may nakahandang BENEFIT SHOW na rin para sa yo.”
“Magsalita si Manay parang hindi ka magakakasakit. Ikaw ang mag ingat sa KALUSUGAN mo.”
Hindi naman malaking artista si Kristofer King kaya it is a given na wala siyang ipon. May pamilya rin siyang sinusuportahan at tila madalang ang TV and movie assignments sa kanya.
What’s wrong with asking help? Bakit, sa tanda ba niyang iyan ay hindi siya nanghingi ng tulong kailanman? Kung magsalita akala mo pinalaking naka-aircon, de kotse at nakatira sa Forbes Park.
Bakit masyado yatang laitera itong si Lolit? Noong una, she took an obvious swipe sa mga sales ladies. Now, pati paghingi ng tulong ng isang namatayan pinatututsadahan niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.