Paninira kay Bong pinopondohan ng mga kalaban sa politika | Bandera

Paninira kay Bong pinopondohan ng mga kalaban sa politika

Cristy Fermin - February 26, 2019 - 12:40 AM

LANI MERCADO AT BONG REVILLA

NAPAKATINDI ng takot ng mga pulitikong kumakandidato ngayon sa pagbabalik-kampanya ni dating Senador Bong Revilla, kahit sa anong entablado ay pinupuruhan nila ang nakulong na pulitiko, talagang tinatadtad nila ng paninira.

Sobra ang takot nilang makabalik sa Senado ang aktor-pulitiko kaya dumating pa sila sa puntong nag-ipon sila ng pondo mabanatan lang si Senador Bong.

Takot na takot ang mga pulitikong ito dahil nakararating sa kanila ang impormasyon na kahit saang probinsiya dumayo si Senador Bong ay napakainit ng pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan.

Mismong mga reporters na nakakausap namin ang nagpapatotoo kung gaano kalakas ang karisma ng aktor-pulitiko sa kanilang pag-iikot.

Kuwento ni MaeAnne Los Baños na kapatid namin sa TV5, “Ibang klase kapag ang name na ni Senator Bong ang tinatawag, nagkakagulo ang mga tao, puro sigawan at palakpakan ang maririnig mo.

“Sa pagdating pa nga lang ng team nila, e, si Senator Bong na talaga ang hinahanap ng mga dinadatnan namin sa rally. Si Senator Jinggoy Estrada, tinitilian din, pero ibang-iba ang charisma ni Senator Bong.

“Para siyang rock star, para siyang heartthrob, talagang kinakikiligan siya ng mga kababayan natin,” kuwento ng aming kasamahang reporter.

‘Yun siguro ang ikinanginginig ng mga kalaban niya sa posisyon kaya ganu’n na lang ang preparasyong ginagawa ng mga ito para siya siraan kahit saan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending