Female celeb naglabas ng fake news para palabasing playboy si sikat na male star
PURO malalakas na halakhakan ang maririnig sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz sa isang party. Kasi nga ay nasentruhan nila ang kuwento ng isang female personality tungkol sa kanyang dating pinagseserbisyuhan.
Halos magkandaiyak na sa katatawa ang mga becking nandu’n dahil ang rebelasyon ng babaeng personalidad ay saksi kuno ito sa pagdadala ng mga girlash sa bahay ng dati nitong boss.
Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Lumapit-lapit nga dito ang hitad na babaeng ‘yun para makotongan ko siya! Pati ba naman tayo, e, susubuan niya ng mga kuwentong ganu’n!
“Sa totoo lang, sobrang echoserang palaka ang babaeng ‘yun! Mema lang siya! May masabi lang, e, kahit ano na lang ikukuwento niya! Di ba naman pareho silang nakakaloka ng dating boss niya!” unang chika ng source.
Biglang binalikan ng tropa ang kontrobersiyal na paghagulgol ng isang pamosong aktres sa TV dahil sa naging dahilan ng hiwalayan nila ng kilalang guwapong aktor.
Sabi naman ng ikalawang miron, “Puwede ba, bumili na lang siya ng makakausap niya! Naku naman! Kung wala sana ang istoryang hinagulgulan ng isang girl, ‘no!
“Kaso, hanggang sa wakas, maaalala pa rin ‘yun ng mga utaw, hindi ganu’n kadaling kalimutan ang kuwento na kaya sila nagkahiwalay, e, dahil sa isang male personality na kasabay pala niya sa puso nu’ng guwapong aktor!
“Kung wala ‘yun, e, maraming maniniwala sa mga kuda ng babaeng ‘yan! Baka meron pa siyang mapaniwala, di ba? Nakakaloka siya!” naiinis namang sabi ng ikalawang miron.
Ang totoong kuwento pala ay type na type ng babaeng ito ang kanyang dating boss. ‘Yun kuno ang dahilan kung bakit ito kinaiinisan ng mga faney ng pamosong male personality.
“Hinaharangan niya ang mga fans, ayaw niyang palapitin, kasi nga, siya mismo ang patay na patay sa amo niya! E, may napala ba naman siya? Waley!
“Alam niya ang totoo, kaya tantanan na niya ang pagkukuwentong nakikita niya kung sinu-sino ang female personalities na dinadala ng bossing niya sa house!
“Baligtarin niya ang kuwento, siguradong maraming maniniwala sa kanya! Echoserang palaka! Mema lang!” pagtatapos ng inis na inis na source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mauupo pa kaya kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang nangangamoy na basurahan?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.