‘Miss Q & A’ 2019 winner may P2M na, may brand new car at trip to Korea pa
SPEAKING of Miss Q&A InterTALAKtic 2019, bonggacious ang ginawang presentation ng It’s Showtime para sa segment na ito.
Sa panel of judges pa lang, nagniningning na ang mga bituin sa pangunguna ni Charo Santos at Bea Alonzo na may pelikula na malapit nang ipalabas, James Reid, Maymay Entrata, Ricci Rivero, Nicole Cordoves, Karylle, Jugs Juleta, Teddy Corpuz, Joel Cruz at ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda.
Ang comedy bar host na si Mitch Montecarlo ang nagreyna sa ginanap na grand finals ng “Miss Q and A Intergalactic 2019: The Final Chukchak…Vaklang Twooo!”
Simula pa lang ng laban ay nag-shine na agad si Mitch at talagang nagpakitang-gilas mula sa mapili ang Top 10 hanggang sa Top 6. Sa final round ng kompetisyon, napataob ni Mitch ang huli niyang mga nakalaban na sina Chad Kinis at Czedy Rodriguez dahil sa mahusay niyang pagsagot sa tanong na, “Ano ang isang dahilan na pinakapumipigil upang lubusang matanggap ng lipunan ang inyong kasarian?”
Panalo ang isinagot ni Mitch na nagbigay sa kanya ng titulo. Ang pagiging Sagrado Katoliko ang ibinigay na dahilan ni Mitch na pumipigil upang lubusang matangggap ng lipunan ang tulad niya.
Kabilang sa premyo ni Mitch ang korona na gawa ni Manny Jalasan, trophy na nilikha naman ni Agi Pagkatipunan, ang kanyang trono at sash, plus an all-expense-paid trip for two sa South Korea, retoke package, brand new car at cash prize na P2 million.
Kalahati ng napanalunan na cash prize ni Mitch ay plano niyang ibahagi sa mga nasunugan niyang kababayan sa Orion, Bataan few weeks ago.
Among his prizes, pinaka-excited siya sa napanalunang trip to South Korea. Kapag natuloy, first time raw niya na bibiyahe abroad. At dahil trip for two ‘yun kaya isasama niya ang kanyang “asawa” na si Allan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.