Direktor ng ‘Ulan’ paboritong ipambala ni Boss Vic sa malalaking Hollywood movies | Bandera

Direktor ng ‘Ulan’ paboritong ipambala ni Boss Vic sa malalaking Hollywood movies

Reggee Bonoan - February 26, 2019 - 12:30 AM


“HASHTAG let’s support local films!” Ito ang pahayag ni Direk Irene Villamor sa ginanap na mediacon ng pelikulang “Ulan” nina Nadine Lustre, Marco Gumabao at Carlo Aquino with Ela Ilano as young Nadine, mula sa Viva Films na mapapanood na sa Marso 13.

Nabanggit ito ni direk Irene dahil lagi na lang daw siyang ibinabala ni boss Vic del Rosario sa mga malalaking pelikula ng Hollywood.

“Hindi nadala talaga sa akin si boss Vic kasi lagi na lang ako ang humaharap sa mga pelikula, ‘yung ‘Meet Me In St. Gallen’ (2018) ‘50 Shades Of Grey’ ang head on tapos ‘Black Panther’ na, ‘yung ‘Sid & Aya’ (2018) nahati naman sa ‘Deadpool’ at ‘Jurassic Park,’ tapos ‘yung ‘Camp Sawi’ (2016) ‘Train To Busan’ naman ang katapat.

“Lagi akong binabala, nakakaloka! Tapos ngayon, mauuna ng one week ang ‘Captain Marvel’ tapos second week ang ‘Ulan’. Nakakalula lang,” ang natatawang kuwento ng direktor.

In fairness sa mga nabanggit na pelikula ni direk Irene, halos lahat naman ay kumita kaya siguro confident ang Viva boss sa kanya.

“Hindi Star Cinema level ang mga pelikula ko, like ‘Meet Me In St. Gallen’ was P80 million plus, since maliit naman ang budget kahit out of the country siya (Switzerland) four days lang tapos Sid & Aya naka-P170M,” sabi pa ni Direk Irene.

Kahit hindi Star Cinema level ang mga kinita ng pelikula ni direk Irene ay natatawag na rin siyang box-office director ngayon.

“Huh! Ayaw ko nu’n, mahirap. Parang pressure lagi, nauuna ‘yung box-office actually ayoko ng may title, ayaw ko nang masyadong social media or ganu’n. Parang mas private kasi ako, mas gusto ko ‘yung proseso ng pagbuo ng pelikula, ganu’n more than the box-office or award or whatever,” paliwanag niya.

Panglimang pelikula na ni direk Irene ang “Ulan” at humihingi siya ng suporta sa lahat na patuloy na manood ng local films para hindi tuluyang mamatay ang industriya ng pelikula.

Samantala, papasukin na rin ni Direk Irene ang paggawa ng serye sa GMA 7 kaya pahinga muna siya sa pelikula after ng “Ulan.” Hindi ba siya inoperan ng ABS-CBN, “Alam po kasi nilang may kontrata ako sa GMA,” saad niya sa amin.

Usung-uso ngayon na nakikipag-co-produce na rin ang mga direktor sa mga pelikulang ginagawa nila, isa na ba si direk Irene sa mga ito? “Naku, hindi po. Wala akong milyon para isosyo!”

Pwede namang mag-wave ng talent fee, “Naku wala po akong ganyan, siguro ang manager kong si sir Erickson Raymundo ang makakaalam, siya ang magtataas ng talent fee ko. Ha-hahaha!” sabi ni direk Irene.

As of now ay nananatiling single ang direktora sa edad na 38 at hindi raw niya prayoridad ang lovelife, “Actually marami akong gustong ligawan kaso ayaw nila (boys).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayaw ko muna ng boyfriend. Work, work lang hindi ko na nga po alam kung anong gagawin ko these past few days, ngarag,” katwiran ng direktora.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending