Juancho kina Maine at Arjo: Masaya ako para sa kanila | Bandera

Juancho kina Maine at Arjo: Masaya ako para sa kanila

Ervin Santiago |February 23,2019
facebook
share this

Juancho kina Maine at Arjo: Masaya ako para sa kanila

Ervin Santiago - February 23, 2019 - 12:01 AM


MASAYA ang Kapuso hunk na si Juancho Trivino para kina Maine Mendoza at Arjo Atayde kung totoo raw na may namamagitan na sa rumored couple.

Isa si Juanco sa mga na-link noon kay Maine na nagsimula nang magkasama sila sa seryeng Destined To Be Yours kasama si Alden Richards. Grabe rin ang pamba-bash noon sa hunk actor mula sa AlDub fans dahil kasagsagan pa noon ng loveteam nina Maine at Alden.

Nagpapasalamat si Juancho dahil natigil na rin ang pang-aaway sa kanya ng AlDub fans. Kailan ba ito natigil? “Hindi ko po alam. Hindi ko rin po napansin. Kasi madalas ako mag-social media detox, every now and then.

“Siyempre kailangan sa trabaho ko ang social media, and siyempre dun kami naba-bash. So, every now and then, I would shut down my phone, delete my Instagram and Twitter apps para siyempre mas makapag-concentrate ako sa trabaho ko,” pahayag ng binata nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa taping ng Kapuso series na Asawa Ko, Karibal Ko.

Ayon kay Juancho hindi naman siya nagpapaapekto sa mga bashers pero hindi niya maiwasan ang mapikon kapag idinadamay na ang pamilya niya, “Hindi naman ako nasaktan, pero mas naapektuhan ako, as would anyone, maaapektuhan sila siyempre kapag idinadamay na yung mga walang kamalay-malay na importante sa buhay namin. Kapag idinadamay na yung family members.

“Sa lahat naman ng artista siyempre, ganu’n sila nakaka-offend, du’n talaga. Isa na rin yun sa mga reasons kung bakit I started the social media detox,” aniya.

At nang matanong nga tungkol sa relasyon ngayon nina Maine at Arjo na umaming “exclusively dating” na sila,“Well, I’m very happy for them, kung iyon ang ikasasaya nila. I’m good friends naman with them, e.

“Arjo kasi is a friend of my ate, yung ate ko na non-showbiz. But kami ni Maine, hindi na kasing dalas (magkita at mag-usap) nu’ng before dahil barkada kami dati, pero ngayon hindi na masyado,” aniya pa.

Pareho na raw kasi silang busy ni Maine, bukod sa afternoon series ng GMA na Asawa Ko, Karibal Ko, meron pa siyang Bubble Gang at Unang Hirit. Sa ngayon, nililigawan ni Juancho ang co-host niya sa isang segment ng Kapuso morning show na si Joyce Pring.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending