Piolo ka-Valentine date si Bela sa pag-aaring resort

By Ervin Santiago February 22,2019
share this

Piolo ka-Valentine date si Bela sa pag-aaring resort

By Ervin Santiago February 22,2019
share this

PIOLO PASCUAL AT BELA PADILLA

 

May namamagitan na nga bang something special sa pagitan nina Piolo Pascual at Bela Padilla?

‘Yan ang tanong ng kanilang fans and social media followers matapos i-upload ni Papa P ang latest vlog entry sa kanyang YouTube na may titulong “My Valentine.”

Magkasama ang dalawang Kapamilya stars noong nakaraang Valentine’s Day sa mismong resort ng aktor sa Batangas.

Sa unang bahagi ng video ay makikita sina Piolo at Bela na magkasama with some of their friends including directors Joyce Bernal and Irene Villamor. Naroon din ang nanay ni Piolo.

Sa bandang last part ng vlog ay makikitang sina Bela at Piolo na lang ang magkasama na parehong nakatalikod at tila seryoso sa kanilang pinag-uusapan. Hindi pa nagkakasama sa anumang proyekto ang dalawa pero si Bela ang sumulat ng script sa huling movie ni Piolo na “Last Night” opposite Toni Gonzaga.

Marami naman ang kinilig sa sweet moments nina PJ at Bela at nagsabing pareho naman silang single kaya walang problema kung magkainlaban man sila. Narito ang ilan sa mga comments ng netizens.

“Sana sila na! The best actor and the best screenwriter!”

“In fairness kinilig ako kina kuya PJ and Bela.!!! Pwede!”

“Wow ha, Papa P ang ganda ni Ms. Bela P, talented pa bagay naman kayo. Pero ano na ang mangyayari kay Ms. Shaina Magdayao?”

Sa huling panayam namin kay Bela, sinabi nitong dream niyang makatrabaho si Piolo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending