Sikat na aktor 'burger boy' noon ng mga bading; male star nagpapahada sa sementeryo | Bandera

Sikat na aktor ‘burger boy’ noon ng mga bading; male star nagpapahada sa sementeryo

Cristy Fermin |February 18,2019
facebook
share this

Sikat na aktor ‘burger boy’ noon ng mga bading; male star nagpapahada sa sementeryo

Cristy Fermin - February 18, 2019 - 12:15 AM

KAPAG nagkakapangalan na ang kahit sinong personalidad ay siguradong maglalabasan na ang kung anu-anong kuwento ng kanyang nakaraan.

‘Yung isang sikat at magaling na aktor ay tinatawag na Burger Boy ng kanyang mga dating kabungguang-siko, nakukuha raw kasi siya ng mga becki sa kanilang bayan nu’n na ang kapalit lang ay isang ordinaryong burger, tinatawag din siyang Katok King.

Kuwento ng aming source, “Kasi raw, e, mahilig siyang mangatok ng mga parlor sa bayan nila kapag panahon na ng kainan. Kapag lunch time daw, e, nakikikain siya sa kinakatok niyang shop.

“Kapag hapunan, e, ganu’n din ang ginagawa niya, makalibre lang siya sa lafang. Maliit lang kasi ang kinikita niya, halos kulang na para sa mga personal niyang pangangailangan.

“Hanggang sa dahil sa sobrang kagipitan, nakisali na rin siya sa bilang ng mga kabataang kumakapit sa patalim para lang makaraos sa araw-araw.

“Look n’yo ang nangyari. Sikat na siya ngayon, napa-kagaling pa niyang umarte! Kasi nga, e, malalim ang hugot niya, naranasan niyang magutom, ‘yun siguro ang iniisip niya kaya napakabilis niyang umiyak sa mga eksena niya!” unang chika ng aming impormante.

Ang isang male perso-nality naman na hindi ka-singsikat ng unang bida sa kuwento ay paborito ring boy toy ng mga becki sa kanilang siyudad.

Kuwento ng isa pang source, “’Yun namang isang ‘yun, e, trip-trip lang. Pang-inom lang. May maipambili lang sila ng malalaklak ng mga kabarkada niya. E, siya ang pinaka may itsura sa grupo nila, siya ang ipinangpapain sa mga becki!

“Sa sementeryo naman sila gumagawa ng kababalaghan ng mga napagtitripan nilang becki, du’n na rin sila nag-iinuman sa ibabaw ng mga puntod, trip-trip lang talaga ang ginagawa nu’ng bagets actor.

“May name na rin siya ngayon, hindi nga lang ganu’n kaningning. Pero at least, may nangyari sa career niya, hindi nasayang ang pagsali niya sa isang malaking pa-contest ng isang network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Burger King at si Sementeryo King, pareho silang may malungkot at mapaklang nakaraan, pero ‘yun ang reason kung bakit mahuhusay silang umarte ngayon,” pagtatapos ng a-ming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, di ba, kapag itinatapat n’yo ang bibig n’yo sa mikropono at sinabi n’yong, mike test, mike test, di ba, ume-echo ‘yun sa paligid?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending