John Lloyd siguradong may babalikan pa sa showbiz

By Julie Bonifacio February 18,2019
share this

John Lloyd siguradong may babalikan pa sa showbiz

By Julie Bonifacio February 18,2019
share this

HANGGANG ngayon ay wala pang balita kung kailan babalik o kung babalik pa ba sa showbiz ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Mukhang nag-eenjoy na talaga siya bilang family man kasama ang kanyang partner na si Ellen Adarna at anak nilang si Baby Elias. Pero malay naman natin, baka biglang magbago ang desisyon ni Lloydie.

Baka magising na lang tayo isang araw at may bago na uli siyang teleserye o pelikula. Alam n’yo naman sa showbiz, uso ang gulatan. And I believe, may babalikan pa rin naman si John Lloyd sakaling magbago ang isip niya.

Bigla tuloy naming na-miss si John Lloyd nu’ng ma-meet namin ang binatang nagtapos sa Star Magic workshop na si Rafael Wilson. Naging inspirasyon daw niya si Lloydie na maging artista nu’ng seven years old pa lang siya.

Nakita raw niya nang personal ang aktor sa taping ng Tabing Ilog noon sa Laguna. Sakto kasi na malapit lang sina Rafael sa location ng taping kaya nagkaroon siya ng chance na makita at mapanood si JLC sa ta-ping.

“Nu’ng makita ko po siya sabi ko sa sarili ko, ‘Tutularan ko ‘to paglaki ko,” kwento ni Rafael.

Pero pinili muna ni Rafael na harapin at magtapos ng pag-aaral bago su-mabak sa pag-aartista.

Gumradweyt siya sa Dr. Yanga’s College, sa Bocaue, Bulacan ng kursong Bachelor of Arts in Psychology.

Sa kasalukuyan, nagtatrabaho si Rafael sa Vertical Angle Management Consultancy habang sinusubukang makuha ang swerte niya sa showbiz.

“Nakikita ko po ang sarili ko dito sa movie industry bilang drama actor either sa movie or television. May puso po ako kasi para sa drama. Sa tingin ko good genre ang drama, light-drama or melodrama,” sabi ni Rafael.

Ready rin daw siya sa mga susuungin niyang intriga at isyu sa showbiz, “Hindi ko po muna iniisip ‘yun kasi mag-i-start pa lang po ako. Puro positive lang talaga ang feelings ko para sa industrya natin.

“Honestly, wala rin akong paghahandang gagawin kasi hindi po kasama ang negativity sa points of view ko sa pagpasok ko rito,” din pa niya.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending