Cristine astig sa bagong hairstyle; naka-move on na kay Ali | Bandera

Cristine astig sa bagong hairstyle; naka-move on na kay Ali

- February 17, 2019 - 12:01 AM


MAY ipinaglalaban ba ang bagong hairstyle ni Cristine Reyes? Ipinost ng Kapamilya actress sa Instagram ang kanyang astig na red hair kung saan mahaba sa isang side habang naka-shave naman sa kabilang bahagi.

“Shaved #untrue coming soon,” ang caption ni Cristine sa kanyang IG photos.

Marami ang nagkomento na baka raw ito ang sign na naka-move on na siya finally sa paghihiwalay nila ng asawang si Ali Khatibi. Pero ayon sa isang taong malapit sa aktres, ang pagpapagupit at pagpapakulay niya ng buhok ay para sa bago niyang pelikula kasama si Xian Lim.

Ito ‘yung suspense-thriller drama ng Viva Films na ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo. Ang nasabing pelikula ay kukunan pa sa Georgia.

Hindi pa rin nagsasalita si Cristine tungkol sa estado ng relasyon nila ni Ali pero sa isang panayam ay tila nadulas ang kanyang kapatid na si Ara Mina na nasa healing process na ang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending