'Hindi na, sobrang kawalanghiyaan na kasi ang pinagdaanan ko'- Kris | Bandera

‘Hindi na, sobrang kawalanghiyaan na kasi ang pinagdaanan ko’- Kris

Ervin Santiago |February 16,2019
facebook
share this

‘Hindi na, sobrang kawalanghiyaan na kasi ang pinagdaanan ko’- Kris

Ervin Santiago - February 16, 2019 - 12:01 AM


“PASENSYA na. Hindi na, sobrang kawalanghiyaan na ang pinagdaanan ko!” Yan ang ipinagdiinan ni Kris Aquino nang tanungin kung posible pa bang mapatawad si Nicko Falcis.

Bago pumunta sa Japan ang Queen of All Media para doon mag-celebrate ng kanyang 48th birthday kasama ang dalawang anak, gumawa muna siya ng video bilang regalo sa kanyang social media followers titled “Unscripted With Kris: Birthday Conversations” series.

Sa nasabing four-part series, nakasama ni Kris ang veteran showbiz reporter and talent manager na si Ogie Diaz at ang entertainment writer-editor na si Dindo Balares para sa isang no-holds-barred interview.

“I felt that I wanted (my fans) to be able to share my birthday. But I had promised the boys na kung anong gagawin namin sa bakasyon naman would be edited after the vacation.

“Hindi siya happening at the moment. So sinabi ko na-compromise ito, para on February 14, mayroon silang mapapanood,” unang pahayag ni Kris.

Isa sa mga naitanong sa mommy nina Joshua at Bimby kung may chance pa bang magkaayos at magkapatawaran sila ng dati niyang business partner na idinemanda niya ng qualified theft.

“Hindi na! Pasensya. Hindi na, dahil sobrang kawalanghiyaan na ang pinagdaanan ko. Oo, at sa laki nang nagastos ko sa Fortun, Narvasa at sa Divina Law (mga abogado niya), utang na loob, hindi. Milyon milyon na ang nagastos ko sa puso ko.

“And there’s no remorse. And there’s nothing but hatred being thrown my way. There has been zero gratitude when I earned millions for him.

“Niloko na ako, dinaya na ako, pinapamukha pang akong pinakawalanghiyang tao sa mundo,” ang matapang na pahayag ng Queen of All Media.

May mga endorsements ba siya at brand partners ng KCA Productions ang nawala at umatras nang aminin niya sa buong mundo na meron siyang Chronic Spontaneous Urticaria, isang autoimmune disease na buong buhay na niyang kailangang gamutin at pagtiisan.

“Alam mo, doon ako mabibilib sa kanila. Kasi they respected the honesty. I think that when you have built long-term relationships and siguro, ang ano, more than having admitted the illnesses, alam mo naman kung ano ‘yung mga naging issue na binato sa akin, I never denied anything eh. I stood by my truth.

“I think na I’m not a perfect person but I have never portrayed myself as being perfect. Kung ako rin naman siguro, kung may produkto akong binebenta, gugustuhin ko ‘yung tao nawhat you see is what you get,” paliwanag pa ni Kris.

In fairness, napanindigan din ni Kris ang pangako niya na ita-try niyang maging “Dedma Queen” sa lahat ng mga kanegahang ibinabato sa kanya.

“Bakit ko papatulan ‘yung mga kasinungalingan na ako mismo, eh naging buhay ko ‘yun eh. I’ve lived it. So why do I have to explain my life to people who have already prejudged me?

“Why will I say a story na ‘yung sa kanila based on fiction, akin based on facts? Gano’n kasimple ‘yon,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nasa Japan pa rin ngayon si Kris kasama sina Joshua at Bimby para sa kanyang birthday celebration.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending