Bela Padilla umamin na: Si Papa P talaga ang gusto ko!
WALANG inilabas na pera si Bela Padilla bilang co-producer ng bagong digital movie ng Dreamscape Digital na “Apple Of My Eye” na mapapanood na bukas, Peb. 14 sa iWant.
Hindi tulad sa sinehan na kapag co-producer ka ay either isosyo mo ang iyong talent fee o magdagdag ng pera kapag kinapos.
Si Bela ang sumulat ng script ng “AOMY” na idinirek ni James Robin Mayo. Ayon sa dalaga, ito ang unang project na talagang hands-on siya at may say sa decision making.
Base sa paliwanag ng production manager ng Dreamscape Digital para sa iWant na si Ethel Espiritu ay isa si Bela sa first batch ng mga writer na inimbitahang mag-pitch para sa iWant at una raw niya itong ipinresent kay ABS-CBN President/CEO Carlo Lopez Katigbak (CLK) na agad namang naaprubahan.
Ang ABS-CBN ang nag-finance sa project ni Bela through Dreamscape kaya walang inilabas na pera ang actress-writer-producer.
At dahil mukhang sa pagsusulat na ng script ang tungo ng career ni Bela bukod sa pagiging artista ay natanong kung mayroon na ba siyang naisulat para sa sarili niya.
“Yes, may sinulat ako recently na romcom, easy lang. Kasi ngayon ang bigat ng ginagawa kong TV show, ‘yung Mea Culpa (kasama si Tony Labrusca). So gusto ko namang gumawa nang magaan,” aniya.
Tinanong namin si Bela kung sino ang gusto pa niyang makatrabahong aktor, “Si Papa P (Piolo Pascual) talaga ang gusto ko. Never ko pa siyang nakatrabaho sa pelikula.
“Sana parang Hollywood movie na ‘When A Man Loves A Woman,’ yung parang Meg Ryan and Andi Garcia. Maka-Meg Ryan kasi ako. Mga ganu’ng pelikula ang gusto ko,” nakangiting sabi ng dalaga.
At bukas, bilang Valentine’s Dat na ay wala raw siyang ka-date, dalawang taon na raw siyang single. Mga kaibigan ang makakasama niyang mag-celebrate pero hindi pa niya alam kung saan sila magpupunta.
Natanong din siya kung hindi ba niya hinahanap-hanap ‘yung feeling na may kalambingang boyfriend.
“Hindi po, ang dami kong ginagawa, sana hanapin niya ako, charot! Ang sayang magtrabaho pala, iba pala kapag work ka lang nang work, mas productive,” saad ni Bela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.