LizQuen umaming 2 taon nang magdyowa; pero binatikos ng mga basher sa socmed

By Alex Brosas February 12,2019
share this

LizQuen umaming 2 taon nang magdyowa; pero binatikos ng mga basher sa socmed

By Alex Brosas February 12,2019
share this

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

INAMIN na finally nina Liza Soberano at Enrique Gil na magdyowa na sila.

Nangyari ang admission sa show ni Vice Ganda. Two years na pala silang magdyowa. Kaya lang, nabahiran ito ng kontrobersiya dahil ang feeling ng netizens ay itinaon ng dalawa ang pag-amin sa promo ng movie nilang “Alone/Together.” With that, slightly ay na-bash ang couple.

“Wow! Para sa movies lang yan pwede naman sabihin nuon pa yung wala silang pelikula.”

“For movie purposes para kumita. Sigh. Hindi na kayo nasanay.”

“Walang kwentang balita. Mahilig sa gimmick tong dalawang kumag na to.”

“Hindi naman talaga sila aamin. Kaso na corner sila sa tanong ni Vice kaya napilitan. Hahahaha.”

“Aysus! Alam na! Dios ko naman halatang halata. Pinoy talaga. Tama na lage na lang ganyan para kumita.”

‘Yan ang aria ng bashers.

“Kaming mga fans hindi nabibigla dahil simula pa lang sa crush hanggang na in love sila sa isat isa alam na namin yan maganda na din kung ivoice out at sa mismong bibig nila lumabas.

“Kayong mga bitter maghanap na din kayo Valentines na siguraduhin niyo tanggap kayo ng magiging byenan nyo, gaya ng Lizquen. Mga bitter hindi ata naranasan magka lovelife,” pagtatanggol naman ng isang avid LizQuen fan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending