Gretchen tinawag na patis ng bayan; bagyong Kris humupa na | Bandera

Gretchen tinawag na patis ng bayan; bagyong Kris humupa na

Cristy Fermin - February 12, 2019 - 12:40 AM

GRETCHEN BARRETTO AT KRIS AQUINO

Tama ang komento ng kaibigan naming propesor. Pana-panahon lang ang kontrobersiya tungkol sa mga artista. Biglang iinit, pero bigla ring lalamig, si Kris Aquino ang pinakamagandang ehemplong ibinigay ni prop.

Nitong mga nakararaang buwan nga naman ay binagyo ng kontrobersiya ang aktres-TV host. Tungkol sa kanyang pagkakasakit, tungkol sa demandang ihinain niya laban sa kanyang dating partner sa negosyo, napakainit ng mga isyung kinapalooban ni Kris.

Nang makisawsaw sa isyu ang tinatawang na “patis ng bayan” na si Gretchen Barretto ay mas naging mainit pa ang intriga, maraming anggulong ipinanganak, hanggang sa tumiklop din ang aktres nu’ng bandang huli.

Komento ni prop, “Ngayon, maligamgam na ang mga isyung ibinabato kontra kay Kris. Nu’n kasi, e, kumukulo ‘yun, napakainit, pero ngayon, parang wala na ring maipambato sa kanya ang mga kalaban niya.

“Ganu’n lang naman ang kalakaran, di ba? For a time, sobrang init ng mga intriga, pero after a few weeks, nauumay na rin pati ang mga sangkot sa kontrobersiya,” pananaw ng kaibigan naming propesor.

Ngayon ay patuloy na sa kanyang pagtatrabaho si Kris, may mga lumulutang mang komento ang mga bumabangga sa kanya ay parang hindi na masyadong kinakagat ng publiko, totoong-totoo ang umay factor na sinasabi ni prop.

Parang pagkain din ang intriga. Kapag puro ganu’n na lang sa araw-araw ang kinakain natin ay naghahanap na tayo ng ibang putahe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending