Joey de Leon idinaan sa biro ang mensahe para sa yumaong ina

By Ervin Santiago February 11,2019
share this

Joey de Leon idinaan sa biro ang mensahe para sa yumaong ina

By Ervin Santiago February 11,2019
share this

KAHIT nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang inang si Gng. Emma Manahan Ramos-de Leon, pumasok pa rin kanina sa live telecast ng Eat Bulaga si Joey de Leon.

Namatay kagabi, 10 p.m. ang nanay ng TV host-comedian sa edad na 93, pero ayon nga sa kasabihan sa mundo ng entertainment, the show must go on para sa tinaguriang Henyo Master.

Nakiramay ang lahat ng Dabarkads kay Joey at sa pamilya nito. Pero kahit nga nagluluksa, idinaan pa rin niya sa biro ang kanyang mensahe matapos magsalita si Bossing Vic Sotto.
Aniya, “Kasama niya uli ang tatay ko, baka mag-away uli yun. Birthday nga niya sa March 31, e, ayaw na niyang mag-94.

“Mahihirapan na siyang mag-blow ng cake, wala nang hininga. So, Ma, ipagdasal mo na lang kami dito,” lahad ni Joey sa episode kanina ng Eat Bulaga.

Sa kanyang Instagram account naman, nag-post ang komedyante ng litrato ng mahjong set at nilagyan ng caption na, “Wala nang maka-quorum sa mahjong ang ermats ko kaya nag-last jai-alai na kagabi! Love you Ma! Together again sila ni Papa Pepe! Play este, PRAY for us!”

Nag-post din sa IG ang anak ni Joey na si Keempee de Leon ng mensahe para sa kanyang lola, “Lord, please Bless and Welcome Mama Emma in your Holy Kingdom. Sleep now mama. Your in a better place now. Your with our Creator be at peace. Mamimiss kita sobra (I’ll miss you) Mama.Thank you sa lahat lahat sobra!I LOVE YOU!!!”

Ang labi ni Gng. De Leon ay nakaburol sa Faith Chapel ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City. Wala pang petsa kung kailan ito ililibing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending