Kris hindi na papayag nakawan uli ng kaligayahan, katahimikan

By Ervin Santiago February 12,2019
share this

Kris hindi na papayag nakawan uli ng kaligayahan, katahimikan

By Ervin Santiago February 12,2019
share this

KRIS AQUINO

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, inisa-isa ni Kris Aquino ang ilang mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay, ilang araw bago ang kanyang kaarawan sa Feb. 14.

Sampung video ang kanyang ipinost sa IG kung saan mapapanood ang pinagdaanan niya nitong nagdaang 2018. Mula sa mga biyahe nila ng dalawang anak sa ibang bansa, sa mga bagong endorsements na ginawa niya, ang pagbabalik niya sa pelikula, hanggang sa paglaban niya sa kanyang sakit.

May 10 parts ang pagbabalik-tanaw ng Social Media Queen sa nakaraang taon at isa nga rito ay ang video ng pagdalaw ni Willie Revillame sa kanilang bahay para kumustahin ang anak na si Joshua nang ito’y magkasakit at ang reunion nila ni Vice Ganda nang ipalabas ang comeback movie niyang “I Love You, Hater” under Star Cinema.

“The Year That Was… i tried to be as factual & authentic as possible… the last picture with the bad rash outbreak was actually from Friday.

“Those in the medical profession know from the pictures the extent of what i revealed because that truth no longer frightens me. It’s now an accepted reality for me, but i refuse to lose the will to keep on living. And nobody will ever again be allowed to steal my happiness and peace of mind.

“You’ve never read in my posts the details of the physical ordeals i experienced this year, BUT you have seen me SURVIVING. And in the YEAR TO COME, i look forward to showing you many more moments of LOVE & LAUGHTER.”

Sa Japan magse-celebrate ng birthday si Kris kasama sina Joshua at Bimby. Tulad nga ng laging sinasabi ng Queen of All Media, ang Japan ang “happy place” nilang mag-iina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending