Maine sinagot si Arjo nang mag-date sa US?

By Bandera February 11,2019
share this

Maine sinagot si Arjo nang mag-date sa US?

By Bandera February 11,2019
share this

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

 

OFFICIAL na nga bang magkarelasyon sina Arjo Atayde at Maine Mendoza?

Feeling kasi ng mga supporters ng Kapamilya actor ay sinagot na siya ni Maine nang matuloy ang date nila sa New York nitong nakaraang weekend.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Arjo ng litrato niya na kuha sa loob ng isang bilyaran habang may hawak na billiard stick at may caption na: “Says yes.”

Siyempre, kanya-kanyang interpretation na ang netizens sa paandar ni Arjo at karamihan sa kanila ay nagsabing official nang magdyowa ang aktor at si Maine.

Sey ni @7bigrs, “Die hard aldub fan dati pero after maine’s OL nagising ako sa katotohanan i love maine only at ngaun iship ko na ang ArMaine bsta love ni M full support ako dyan…ganyan dpat ang tunay na fan.”

“Sinagot na sya ni @mainedcm Feb 8!” chika naman ni @ponkana29

Ito ang comment ni @rachelnb0912, “Hello, please take good care of @mainedcm. That’s all I ask as an assuming ate girl/faney, defend her, hope you’re intention to her is true and all will be well. Thank you!”

“Yung may ayaw kay ARJO pero nakabantay naman sa bawat post ni Arjo halata talaga na malaking sakit sa puso niyo c Arjo wala nman ginagawang masama sa inyo. Ang saya nila ni Maine samantalang kayo na mga basher halos hindi na kayo nakakakain sa inis sa kay Arjo! Wahahahaha!” komento ng isa pang netizen.

Sey ni @any._nie, “Yes! May nanalo na! Go ardub!”

Samantala, natuloy nga ang pagde-date nina Arjo at Maine sa Amerika base na rin sa Instagram Story ng anak ni Sylvia Sanchez. Tanging si Maine lang ang makikita sa IG photo na kumakain sa isang restaurant at todo talaga ang pagkaka-smile. May naka-serve rin na wine at salad sa harapan ng Dubsmash Queen.

Caption ni Arjo sa litrato ng dalaga, “SAVE THE BEST STOP FOR LAST.”

Nagtungo sa New York si Maine para sa bagong collaboration project niya sa sa international cosmetics brand habang si Arjo naman ay kasama sa concert ni Maja Salvador sa Virginia.

Hindi nabanggit ni Arjo kung saang lugar sa Amerika sila nagkita ni Maine pero ang hula ng mga netizens ay sinundan niya ang Eat Bulaga host sa New York.

Pero siyempre, marami pa ring AlDub fans ang nam-bash sa binata dahil sa kanyang latest Instagram post.

Sabi ni @enriquezdet, “Dami kumagat sau sa say yes mo? Papansin pa more! At ikaw naman tawang tawa sa pinaggagawa mo? Aldub pa naman binabangga mo? Milyon milyon tagahanga. Kapit ka pa para sobra pansin pa.”

Banat ni @oportunistako, “Utot mo yabang mo tsamba ka lang dahil bading ang naging karibal mo!”

Hirit naman ng isa pang AlDub fan, “Talaga ba? Asan ang respeto nya kay Maine? Di ba nya iniisip na may mga contract pa c Maine na pinoprotektahan. May mga contract siya na dapat sundin.

“Masasabi nyong tunay sya na lalaki kasi pinagsigawan nya na exclusively dating daw sila ni Maine? I don’t think so. Sinabi lang nya yon kasi wla cyang contract na pinoprotektahan. Ang selfish niya talaga!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending