Sabillo pinatulog si Estrada | Bandera

Sabillo pinatulog si Estrada

Melvin Sarangay - July 15, 2013 - 03:00 AM

ISANG matinding kaliwa sa tadyang ang ibinigay ni Merlito Sabillo para patumbahin si Jorle Estrada ng Colombia sa ikasiyam na round at mapanatili ng Filipino ring warrior ang kanyang World Boxing Organization minimumweight title Sabado ng gabi sa Solaire Resort Hotel and Casino sa Parañaque City.

Ang malupit na body shot ni Sabillo ang nagpatumba kay Estrada sa canvas kung saan hinawakan pa nito ang dibdib bago dinura ang kanyang mouth piece para makahinga ng maayos.

Na-count out si Estrada ni referee Raul Caiz Jr. sa 1:09 marka sa labang kinatampukan din mga knockouts wins ng mga Filipino fighters sa Pinoy Pride XXI: When Worlds Collide.

Sa mga naunang supporting bouts ay pare-parehong pinatulog ng maaga nina “King” Arthur Villanueva,  AJ “Bazooka” Banal at Albert Pagara ang kanilang mga dayuhang kalaban.

Ginulpi ni Villanueva ang Mexicanong si Arturo Badillo sa lubid bago napilitan si referee Janrex Tapdasan na tapusin ang laban para sa WBO Asia Pacific super flyweight title may 2:03 ang nakalipas sa ikaapat na round.

Napaayaw naman ng nagbabalik sa ring na si Banal ang Mexicanong katunggali na si Abraham Gomez sa ikalawang round ng kanilang laban sa junior featherweight division.

Ang premyadong junior bantamweight prospect na si Pagara ay bumira naman ng left jab at right cross para patumbahin ang Thai opponent na si Khunkhiri Wor Wisaruth sa 2:29 marka ng ikalawang round.

Mahusay namang binugbog ni Sabillo ang maangas na katunggaling si Estrada sa labang pinanonood ng mahigit 1,500 katao sa Grand Ballroom.

Nagkonsentra sa pagsuntok sa dibdib ng kalaban, ang tubong-Bacolod City na si Sabillo ay nagawa namang paatrasin si Estrada sa kabuuan ng labanang dinomina niya.

Ipinakita ni Sabillo ang kanyang nalalaman sa ring sa ikatlong round kung saan pinaulanan niya ng mga suntok si Estrada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending