Horoscope, February 11, 2019

By Madam Sophia February 11,2019
share this

Horoscope, February 11, 2019

By Madam Sophia February 11,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayon ang araw kung saan, ang lahat ng mga suliranin noong nagdaang panahon ay unti-unti nang lilisan at mapaparam. Sa pag-ibig mainit na romansa ang malalasap. Sa pinansyal, dagdag na kita ang makakamit. Mapalad ang 2, 11, 25, 33, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Pink at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Lumayo sa mga taong malas, mahahawahan ka lang nila. Lumapit sa mga taong alam mo sinusuwerte at umuunlad, mapupunta sa iyo ang suwerte nila at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, wag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship, ganon din ang mangyayari sa inyong relasyon. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Silver at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ngayon ang araw na walang kaabog-abog bigla mapapasayo ang magandang kapalaran. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, upang lalo pang dumami ang iyong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Lilac at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, may babala na maloloko ka na naman! Sa pinansyal at pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Nama-Om.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Pagmalasakitan ang mga kamag-anak, dahil sa bandang huli sila rin ang tutulong sa iyo. Kung magiging makasarili, hindi ka masyadong uunlad. Sa pag-ibig, ibahagi sa lahat ang iyong pagkalinga at pagmamahal, upang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at peach ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag sabayan ng init ng ulo ang ang makulimlim na panahon. Sa pamamagitan ng diplomasya lalong aangat ang kinikita. Sa pag-ibig, upang lumamig ang ulo kahit maginaw yayain munang mag swimming ang kasuyong Aries. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag magtanga-tangahan, matalino ka naman, bakit hindi mo paunlarin ang inyong buhay? Mula ngayon, puro pera ang isa isip, makikita mo paglipas ng mga ilang taon pa, mayamang-mayaman na ka na. Mapalad ang 8, 17, 24, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Harum-Harim-Aum.” Blue at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Umiwas sa mga taong maraming kuwento. May babala na muli ka na namang ma-racket ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyo upang maingatan ang natitirang savings. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Yama.” Beige at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ituloy mo ang ugaling pagiging agresibo, dahil diyan ka uunlad hanggang sa yumaman. Pero minsan wag mo namang laging pagalitan ang iyong kasuyo, dahil nakakahalata na siya na ina-under mo. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Uunlad ka kung maitutuwid at maitama mo muna ang iyong pagiging magastos. Sa pag-ibig, matapos mong mapagtanto na may mga pagkukulang ka sa iyong kasuyo, humingi ka ng “sorry” upang muling uminit ang inyong relasyon. Mapalad ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dega-Om.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Parating na ang magagandang kapalaran, kaya hindi ka dapat na malungkot. Sa pinansyal batiiin ng buong galak ang bawat araw, upang tuloy-tuloy pang dumating ang mas maraming materyal na mga bagay sa iyong kabang-yaman. Sa pag-ibig tuloy ang mainit na pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—May kanya-kanyang suwerte ang buhay! Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril hanggang sa katapusan ng Mayo, darating na ang suwerte laan sa iyo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay, magtipid upang hindi mawaldas ang mga salaping kusang ipinagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yoti-Bhama-Om!” Gold at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Lumalabas kasing nagmamayabang ka lang. Sa pag-ibig at pinansyal, kung lumalaki at lumalago ang kita, matutong mag-ipon upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 4, 1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending