Sosyal: Maine, Arjo sa US pa nag-date, nasolo ang isa’t isa?

By Cristy Fermin February 11,2019
share this

Sosyal: Maine, Arjo sa US pa nag-date, nasolo ang isa’t isa?

By Cristy Fermin February 11,2019
share this


PAREHONG nasa East Coast ngayon sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Nagsadya ang dalaga sa isang malaking lipstick house sa New York at mukhang kukunin siyang endorser ng kumpanya.

Si Arjo naman ay guest ni Maja Salvador sa isang concert sa Virginia, nakita ng kaibigan naming si Vangie Caperal-Aleemi ang poster ng concert, nandu’n nga ang magaling na aktor ng kanyang henerasyon.

Ilang tumbling lang ang layo nina Arjo at Maine sa isa’t isa, parehong nasa East Coast ang kinaroroonan nila, kaya nag-aalala ang mga AlDub fans na baka magkita ang dalawa du’n.

Hindi imposibleng mangyari ‘yun, baka nga pagkatapos ng concert sa Virginia ay tumuloy sa New York si Arjo, ‘yun ang matinding ipinag-aalala ngayon ng mga solidong tagasuporta nina Maine at Alden Richards.

Pero kung dito nga sa Pilipinas ay walang nakapipigil sa kanilang magkita, kung dito nga ay nakalulusot pa rin sina Arjo at Maine, sa Amerika pa ba naman maaaring harangan ang kagustuhan nilang makapagsolohan?

Siguradong may usapan na silang magkikita, ‘yun ang lumutang na kuwento kailan lang na may plano silang magbakasyon nang silang dalawa lang talaga, ‘yun na ‘yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending