Hugot ni Alden sa V-Day: Respeto lang, walang pilitan

By Ervin Santiago February 11,2019
share this

Hugot ni Alden sa V-Day: Respeto lang, walang pilitan

By Ervin Santiago February 11,2019
share this

VALENTINE’S Day na sa Huwebes, Feb. 14 at base sa mga nakuha naming sagot mula sa ilang celebrities kung ano ang plano nilang gawin para sa Araw ng mga Puso, iisa ang naging sagot nila.

“May trabaho.” “Nasa taping.” “Work, work, work.” Yan ang ilan sa kanilang mga tugon. At kung magkakaroon naman daw ng chance, baka mag-dinner lang sila kasama ang kanilang loved ones.

Tulad na lang ng phenomenal loverteam nina Maine Mendoza at Alden Richards, siguradong trabaho pa rin ang kanilang aatupagin ngayong Valentine’s Day dahil bukod sa meron silang Eat Bulaga, may kanya-kanya pa silang karaketan at prior commitments.

Pero one this is for sure, magbabatian sila ng “Happy Valentine’s Day!” at malay n’yo naman, mga ka-AlDub Nation magbigayan din sila ng regalo sa isa’t isa, di ba? O, walang basagan ng trip ha. Hindi

masamang umasa, kanya-kanyang paandar lang yan! Ha-hahaha!
Anyway, sa panayam ng GMA 7 ay natanong sina Maine at Alden kung ano ba ang mensahe nila para sa kanilang fans and suppor-ters ngayong love month.

Tugon ng Pambansang Bae, “Ang number one talaga na natutunan ko when it comes to relationship ay dapat walang pilitan huwag nating ipilit yung mga bagay-bagay lalo na kung alam nating hindi talaga magwu-work.”

Dugtong pa ng Kapuso Drama Prince, “And siyempre, ang pinakamahalaga sa lahat yung respeto sa isa’t isa, yung respect para sa kapwa mo.”

Hindi lang tungkol sa love ang ibinahaging mensahe ng Phenomenal Star at Dubsmash Queen sa mga Dabarkads kundi pati life advice.

“Hindi lang naman specifically sa special someone pero kahit kanino, sa family, sa friends or everybody around you,” aniya. “Just be kind always and spread love,” dugtong pa ng dalaga.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending