Liza umaming inaatake ng nerbiyos sa Valentine movie nila ni Enrique
HINDI namin nakita pero inanunsyo sa premiere night ng pelikulang “Elise” nina Enchong Dee at Janine Gutierrez na isa nga si Bea Alonzo sa mga celebrity guests na naroron.
Alam nating lahat na very close sina Enchong at Bea, talagang mag-ate na ang turingan nila kaya’t nagsusuportahan sila sa kanilang mga proyekto.
Bukod kina Janine, Enchong at iba pang cast members ng “Elise”, nakita rin namin sa sinehan ang ex-couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
Sure kaming proud na proud sila sa kanilang anak na si Janine na super ganda that night. At kahit medyo nainip kami sa paglabas ng karakter ni Janine bilang si Elise, tuwang-tuwa naman kami sa kuwento ng movie, lalo na sa mga kakengkoyan ng sidekick ni Enchong na si Victor Anastacio (nakilala bilang host ng home shopping TV). Agaw-pansin din ang baguhang child star na nakipagtagisan din ng akting kay Enchong.
Graded A ang pelikula at maganda ang pakiramdam naming magugustuhan din ito ng Pinoy viewers.
Ang feeling nga namin, para kaming nanood ng 70’s at 80’s movie sa makabagong panahon.
Romantic comedy ang “Elise” and it was indeed a delight to watch Janine’s ka-family like her lola Pilita Corrales and tita Jackielou Blanco who played as Enchong’s lola and mom respectively. Lahat ng mga baguhan nilang kasama sa pelikula ay magagaling din kaya’t nakaka-engganyo silang panoorin.
q q q
Kaya kapatid na Ervin, feel din namin ang sinasabing “nerbyos” ni Liza Soberano para sa Valentine movie nila ni Enrique Gil, ang “Alone/Together”.
As she explained, ibang-iba ito sa lahat ng ginawa nila at natatakot siyang baka mabigla o magulat ang fans at supporters nila sa “risk” na pinasok nila ni Enrique nang tanggapin nila ang proyektong ito.
Well, sa dami ng LizQuen fans na laging nagme-message sa amin ng kanilang pananabik at pagsumpa ng bonggang suporta sa pelikula, pwede nang mag-relax-relax si Liza.
Bukod pa riyan ang katotohanang mayayaman at kering-keri ng mga LizQuen fans ang magpa-block screening to ensure na makakadagdag ito sa box-office result ng pelikula.
Maganda ang record ng LizQuen sa movies and so far, wala pa silang flop na movie. Siguro ay hindi pa nila ito mararanasan sa “Alone/Together” lalo pa’t certified box-office director naman ang nasa likod nito, walang iba kundi si Antoinette Jadaone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.