Fiesta sa Bulacan mas pinabongga ng EB Dabarkads
HINDI na kinailangan pang bumiyahe ng ilang oras si Maine Mendoza last Monday dahil mismong sa hometown niya sa Santa Maria, Bulacan ginanap ang Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga.
Biro ni Meng sa kanyang tweet, “Literal 30 steps away from home lang yung location namin today. Ang saya! Happy Fiesta, Sta. Maria, Bulacan!”
Sa totoo lang, halos buong pamilya ng Phenomenal Star ang present sa location pati na ang pamangkin niyang si Matti na dala-dala niya base na rin sa ilang litrato na kuha sa set.
Of course, masayang-masaya ang mga kababayan niya sa pagpunta ng Eat Bulaga segment sa kanilang lugar.
Sa ilang taon ni Maine sa noontime show, nadama ng mga kababayan niya ang importansiyang ibinigay ng programa sa mismong araw ng Kapistahan sa Bulacan, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.