Paano na kung nagbago na siya ng ugali? | Bandera

Paano na kung nagbago na siya ng ugali?

Beth Viaje - February 01, 2019 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Ako po si Ms. Joy, 20 years old mula sa Iloilo.

Magandang araw po sa iyo. May ka-live in po ako, four years na kaming magka-live in, pero wala kaming anak sa mga years na magkasama kami.

Bakit nagkaganoon, bigla-bigla na lang siyang nagbago? Maraming dahilan upang magalit ako sa kanya.

Dami niyang sinasabi, ano-ano na lang ang pinagsasabi niya sa akin. Kahit na masakit ang mga iyon ay tinitiis ko na lang.

Ano kaya ang dapat kong gawin sa relasyon namin?

Maraming salamat. More power and God bless.
Ursinshory. Joy

Hello, Miss Joy.

Bakit hindi ka makipag-usap sa kanya? Bakit hindi mo siya tanungin kung bakit ganoon na lamang ang ipinagbago niya. Bakit kailangan mong tiisin ang sinasabi mong pangit na pagtrato niya sa iyo? Ikaw ba, matitiis mo pa ang araw-araw na ganyang trato sa iyo? Aba’y kausapin mo siya! Hindi iyan masosolusyunan kung wala kang gagawin bukod sa paghingi ng payo.

Bigla-bigla ba talaga siyang nagbago o di mo lang pinapansin ang pagbabago niya?

Minsan kasi tayong mga babae, pinipili nating wag pansinin ang mga pagbabago ng kapartner natin dahil sinasabi natin na mahal natin sila. Pagkatapos kapag lumampas na sila ng tamang trato sa atin saka naman tayo papalag. Saka pa lang natin makikita ang mga pagkukulang nila.

Samantalang kung noon pa man, may napansin na tayo, dapat ay kinakausap na natin, nagtatanong na tayo kung ano na ba ang nangyayari sa mga relasyon natin. Pero hindi, lagi tayong nagsasawalang-kibo.

Pagkatapos bigla na lang sasabog.

So kung hindi mo na matiis, magtanong ka at sumagot ka! Huwag kang magsawalang-kibo lang. Kayong dalawa lang ang nasa relasyong yan, so kayong dalawa rin ang makapagbibigay ng solusyon sa problema ninyo.

Kung sa pag-uusap ninyo ay mukhang walang mareresolba, e di timbangin mo ang mga susunod na pwede mong gawin. Kaya mo bang makipaghiwalay sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tama na siguro ang apat na taon na masaya kayo kaysa pagtiisan ninyo na lang ang isa’t isa sa mga susunod na taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending