Labor issues isumbong sa DOLE hotline 1349
ANG lahat ng mga manggagawa na may kinakaharap na problema sa kanilang trabaho ay maaaring tumawag sa DOLE hotline 1349 at isangguni ang kanilang hinaing o mga katanu-ngan.
Hinihimok ng Labor department ang mga manggagawa na magsumbong sa hotline 1349 sa anumang problema sa trabaho, kasama na ang fair and just terms and conditions sa kanilang employment.
Ang nasabing hotline ay maaaring tawagan 24/7.
Sinisiguro ng DOLE hotline na matutugunan ang nais isangguni o problema ng mga workers kasunod ng kanilang karapatan sa paggawa
Nabigyang katugunan na ng DOLE hotline 1349 ang may 93,392 queries mula sa 86,750 calls na natanggap noong nakaraang taon 2018.
Karamihan sa mga problemang isinangguni ay may kinalaman sa social protection and welfare concerns na may 68,114 queries .
Kabilang ang proper computation para sa night shift differential, overtime pay, holiday pay at 13th month pay.
Natugunan na rin ng hotline ang may 15,779 queries na may kinalaman sa labor relations kabilang ang workers concern sa DOLE’s Single Entry Approach (SEnA) mechanism, grievance settlement/voluntary arbitration, at calls on non-remittances of government contributions.
Maliban pa dito, 5,578 queries aa employment kabilang emoloyment facilitation, employment application at skills enhancement program.
Gayundin ang 2983 queries sa labor standard partikular na sa registration ng establishments
Ang DOLE Hotline 1349, at inilunsad noon pang Sept 2016 kasunod na rin ng naging direktiba ni Pangulong Duterte.
Libre o walang bayad ang pagtawag sa hotline number 1349 para sa domestic call.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.