Kuripot na male star marami nang naipundar na ari-arian, nagpapatayo pa ng sariling 'hotel' | Bandera

Kuripot na male star marami nang naipundar na ari-arian, nagpapatayo pa ng sariling ‘hotel’

Cristy Fermin - January 30, 2019 - 12:15 AM


NAGBUNGA ng maganda ang kahusayan sa paghawak ng salapi ng isang pamosong male personality.

Kuripot na siya kung kuripot, pero ang ganda-ganda naman ng resulta ng kanyang kakuriputan, dahil napakarami na pala niyang nabibiling mga ari-arian ngayon.

Sa isang kilalang lugar sa isang probinsiya ay madalas makita ang male personality. Balitang-balita du’n na siya ang may-ari ng isang gusaling itinatayo.

Kuwento ng aming source, “Siya talaga ang owner ng ginagawang building na gagawin niyang bahay-bakasyunan na pauupahan niya. Meron siyang sariling suite, pero ang karamihan ng mga rooms, ipaparenta niya.

“Madalas siyang dumalaw du’n, siya mismo ang nagsu-supervise sa pagtatayo ng building. Masinop kasi siya talaga sa pera, kaya tingnan n’yo naman kung ano ang nangyari sa buhay niya,” simulang chika ng aming impormante.

Madalas maging kuwentuhan ang pagiging mahigpit ng bulsa ng male personality. Hindi siya basta-basta naglalabas ng pera dahil nanghihinayang siya kundi rin lang kapaki-pa-kinabang ang pagkakagastusan niya.

“Nu’ng teenager pa siya, e, kilala na siya sa pagiging kuring. Gastador ang mga ka-contemporary niya, pero ang male personality na ito, puro pamilya ang inaasikaso niya.

“Kasi nga, siya na ang tumatayong father sa kanyang pamilya, may malungkot na nangyari sa tatay niya, siya na talaga ang tumanggap ng obligasyon para sa pamilya nila.

“Hanggang sa nag-invest siya ng naiipon niya sa maliliit lang munang negosyo. ‘Yung maliit, lumaki nang lumaki, hanggang sa nagsarili na siya. Du’n na nag-umpisa ang mga business niya na super-successful na ngayon.

“Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng bahay sa isang resort kung saan niya madadala ang family niya. Pero siyempre, mas nanaig sa kanya ang pagiging businessman.

“Ang ipinagagawa niya ngayon, e, bonggang building na may mahigit na thirty rooms na pauupahan niya sa mga bakasyunista. Meron na lang siyang sariling suite, du’n sila ng family niya.

“Ang galing-galing talaga niyang humawak ng datung! Kailangang mag-seminar sa kanya ang mga artistang galit na galit sa pera. E, ano ngayon kung kuring siya?

“Look n’yo naman kung gaano na siya katagumpay sa negosyo ngayon, di ba naman? Marvelous!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Getlak n’yo na kung sino siya, di ba naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending