ISANG anim na taong gulang na batang lalaki ang nasawi sa sunog sa Commonwealth, Quezon City kaninang umaga.
Natagpuan ang sunog na bangkay ni Prince Repangcol sa loob ng kanilang bahay sa Litex Rd., malapit sa IBP Rd., Brgy. Payatas, kung saan nagsimula ang sunog.
Nahanap naman ang kanyang kapatid na si Jaren, 7, na una ng iniulat ng kanyang inang si Jackelyn Laksi, 32, na nawawala.
Umalis umano si Laksi at pinuntahan ang kanyang mister na si Renato Repangcol, 43, na isang garbage collector. Tulog umano ang dalawang bata ng umalis ito alas-3:50 ng umaga.
Nang mabalitaan ang sunog ay agad siyang umuwi upang hanapin ang dalawang anak at naabutan na tupok na ang kanilang bahay.
Tinatayang 50 kabahayan ang natupok sa sunog na tumagal ng dalawang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.