Jayson Castro napiling PBA Player of the Week | Bandera

Jayson Castro napiling PBA Player of the Week

Melvin Sarangay |January 28,2019
facebook
share this

Jayson Castro napiling PBA Player of the Week

Melvin Sarangay - January 28, 2019 - 09:20 PM

MATAPOS ang magkasunod na pagkatalo sa pagbubukas ng PBA Season 44, muling nanguna para sa kanyang koponan ang beteranong combo guard na si Jayson Castro para ihatid ang TNT KaTropa sa dalawang diretsong panalo at makuha ang parangal bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week sa 2019 PBA Philippine Cup.

Nagtala si Castro, na kilala sa kanyang palayaw na “Blur”, ng 16.5 puntos, 4.0 rebound, 6.5 assist at 2.5 steal sa period na Enero 21-27 para pamunuan ang ratsada ng TNT sa panalo kontra sister team NLEX Road Warriors at four-time Philippine Cup champion San Miguel Beermen.

Kumamada ang 32-anyos na si Castro, na nakilala rin bilang two-time Best Point Guard sa Asia, ng siyam na puntos, tatlong rebound, dalawang assist at isang steal sa laro kontra NLEX subalit naging krusyal ang nilaro niya sa huling yugto ng laban kung saan ang nagbigay siya ng pasa kay Roger Pogoy na bumitaw ng 3-pointer at naghulog ng dalawang krusyal na free throw para maselyuhan ang unang panalo ng TNT ngayong season.

Sa sumunod nilang laro, ang Gilas Pilipinas combo guard at four-time PBA Best Player of the Conference  na si Castro ay nagrehistro ng all-around na mga numero na 24 puntos, 11 assist, limang rebound at apat na steal para sa KaTropa na nagtala ng upset win kontra Beermen, 104-93.

Tinalo ni Castro ang mga kakamping sina Troy Rosario at Ryan Reyes, Rain or Shine players Gabe Norwood at Mark Borboran, Phoenix Pulse players Calvin Abueva, Jason Perkins at Matthew Wright para sa lingguhang parangal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending