Emoterang female star OA na ang mga kaechosan sa buhay | Bandera

Emoterang female star OA na ang mga kaechosan sa buhay

Cristy Fermin - January 29, 2019 - 12:15 AM


NAG-AALALA ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa isang pamosong aktres na baka isang araw ay wala nang maniwala sa kanyang mga sinasabi. Sa dami ng kanyang mga press release ay baka kaumayan na siya ng publiko.

Emosyonal ang female personality, totoo ‘yun, pero para sa mas nakararami ay parang nagiging OA na siya. Nakatali pa rin kuno ang kanyang mga paa sa nakaraan.

Kuwento ng aming source, “Darating talaga ang araw na tatawagin na siyang the girl who cried wolf! Kasi nga, ang dami-dami niyang kuwento, ang dami-dami niyang hanash, pero napapatunayan naman na hindi pala ‘yun totoo!

“Ano ba naman ang babaeng ‘yun? Napakatagal niya namang makapag-move-on? Napakatagal nang nasaktan ang puso niya, magaling na ang puso ng mga mas nauna pang nagka-heartbreak kesa sa kanya, pero siya naman, e, heto, nasasaktan pa rin siya?

“Ano bang gamot ang kailangan niya para tantanan na niya ang pag-eemowt? Hindi ba siya napapagod sa puro pag-eemowt? Nakakaloka na siya, ha?” unang chika ng aming impormante.

Banggit din ng mga nauumay na sa mga kaechosan ng babaeng ito ay wala na siyang iniiwanan para sa kanyang sarili. Lahat na lang ay ipinararating niya sa buong mundo.

“Magluluto lang siya ng kung anong ewan, e, nakabilad na agad sa account niya. Meron lang siyang gawing isang bagay na wala namang katorya-torya, nasa account na niya agad.

“E, ano pa ang naiiwanan sa kanya? Meron pa ba? ‘Yun ang mahirap sa babaeng ‘yun, e! Lahat na lang, e, may ibang interpretation para sa kanya, binibigyan niya ng ibang kahulugan ang mga napakasimpleng bagay lang naman!

“Nakakaumay na siya, sa totoo lang, meron na naman siyang bagong eklat na nagiging sobrang close na uli sila ng ex niyang male personality.

“Kesyo meron daw magkakabalikan, siya pa mismo ang nagpapakalat ng ganu’ng kuwento, pero para lang naman pala sa isang gagawin nilang project ang sinasabi niyang pagbabalikan?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pakikutusan n’yo nga ang babaeng ito para magtigil na sa kanyang mga ilusyon? Tanggalan n’yo sana siya ng pakpak!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending