Enchong may 3 resto, paupahang building; may bago pang negosyo
Nang sinabi ni Enchong Dee na hindi siya papasok sa politika ay naniwala kami dahil noon pa sinasabi ng aktor na kahit kilala ang pamilya niya sa Naga City ay hindi sumagi sa isipan niyang pasukin ang public service.
Katwiran niya, “Gusto ko tahimik ang buhay ko. Parang pakiramdam ko, mas marami akong matutulungan kahit wala ako sa politika. At least, alam kong sariling pera ko ang ginagastos ko. Yun na lang siguro, susuporta ako sa mga kandidato na alam kong matino at maganda ang mga proyekto para sa Pilipinas.”
Oo nga, sa estado ngayon ni Enchong na may tatlong branch ng Peri-Peri restaurant at may building pang pinauupahan na malapit sa palengke ng Q-Mart at under construction naman ang isa pa niyang building na malapit din sa palengke ng 15th Avenue, Murphy, Quezon City na plano rin niyang paupahan ay baka silipin pa ito kapag nanalo siya sa eleksyon.
Masinop si Enchong sa mga kinikita niya sa showbiz at katuwang niya ang nanay niya sa pagpapalakad ng mga paupahan nila.
Nagsimula raw ang haka-hakang kakandidato ang binata nang magbiro siya sa harap ng ilang katrabaho at kakilala na plano niyang kumandidato ngayong eleksyon, “That’s just a joke. It’s a no! No talaga.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.