Horoscope, January 24, 2019

By Madam Sophia January 24,2019
share this

Horoscope, January 24, 2019

By Madam Sophia January 24,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi dapat magdawang isip ngayon, sa halip, kapag may dumating na oportunidad wag matakot sunggaban agad. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Libra, tunay na kayo ay nagmamahalan at ang iyong kabuhayan ay patungo sa pag-unlad. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Kung magpapa-ganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, ang kasuyo mong mapagmahal ang magiging katuwang mo sa pagpapalago ng inyong kabuhayan. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Govinda”. Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Isang malaking sopresang may kaugnayan sa salapi ang darating. Kapag hindi iningatan mauubos din agad. Kapag maraming pera kailangang magtipid at mag savings. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Kung hindi naging maganda ang pasok ng pera nitong Enero, umasa kang pagpasok ng Pebrero, mabilis uling aangat ang kabuhayan, at tuloy-tuloy na madaragdagan ang kinikita. Sa pag-ibig kapag nagkapera, ilibre naman ang kasuyo sa paborito niyang kainan. Mapalad ang 4, 10, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Yellow at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang dagdagan at damihan ang pagkilos. Sa taong ito kapag dinamihan ang pagkilkos, kasunod nito, mabilis ding lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang kasuyong maangas, dahil iyon talaga ang ikinaliligaya niya. Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver t green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito alalahaning kapag hindi ka naging stable sa aspetong pang-pinansyal paano mo mabibigyan ng masayang buhay ang iyong pamilya? Ngayon pa lang kailangang maging agresibo ka na sa mga bagay na pagkakaperehan. Magagawa mo, lakas lang ng loob ang kailangan. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Lagyan ng dagdag na kulay ang papalapit na Valentine’s day, bagong istilo ng pakikipagromansa ang dapat na ihanda, upang muling umnit ang suyuan. Sa pinansyal, ituloy mo lang ang mga dati mo ng pinagkakakitaan, kusa ng lalago ang kabuhayan sa susunod na mga araw. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Gita-Bhagava.” Blue at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Disiplinahin ang sarili. Sa pagkain, iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Aquarius. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Ipayapa ang isipan kahit na maraming problema. Malulusutan mo ring lahat ng iyan. Mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, itutok ang atensyon sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig unti-unti ng bibigay ang kasuyo, ituloy mo lang ang pang-aakit. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon, upang wag magulo ang iyong konsentrasyon. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Panahon na upang mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay lubhang makapangyarihan. Tandaang kapag marami kang pera ito ay magdudulot ng peace of mind at kaligayahan sa buong pamilya. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Red at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kahit medyo luhaan sa pang-emosyonal na aspeto sa susunod na mga araw bigla ding magbabago ang kapalaran. Alalahanin mong nagkaka-edad ka na, dapat mo ng itama at iaayos ang mga nakaraan mong pagkakamali. Sa pag-ibig hindi na dapat pang balikan ang nakaraan. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ingatan ang natitirang salapi! Alalahanin mong mahirap maghanap ng mauutangan. Kaya nga wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, panahon na upang magtulong kayo ng iyong kasuyo na palaguin pang lalo ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Apple green at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending