Male celeb nakipaghiwalay sa dyowang aktres dahil sa pusa

By Cristy Fermin January 23,2019
share this

Male celeb nakipaghiwalay sa dyowang aktres dahil sa pusa

By Cristy Fermin January 23,2019
share this


HINDI kagandahan ang amoy ng kapaligiran sa taping ng isang show, maraming artistang naaalibadbaran sa amoy, meron pa ngang masusuka dahil sa kabahuan ng lugar.

Paano nga naman sila makapagtatrabaho nang maayos kapag ganu’n ang nasisinghot nilang amoy, sasakit sigurado ang kanilang ulo, bakit daw kasi ‘yun pa ang napiling lugar ng production?

Pero may ipinagtataka ang mga artista, bakit hindi man lang nagrereklamo ang isang male personality, bakit parang okey lang sa kanya ang masangsang na amoy ng location?

Tawa nang tawang kuwento ng aming source, “Aysus, du’n pa ba naman mababahuan ang lalaking ‘yun, e, ilang taon niyang tiniis ang kabahuan mismo ng tinitirhan nila ng ex niyang female personality?

“Sa paggising pa lang niya, e, nakasusulasok nang amoy ang nasisinghot niya? Tulog nga lang ang pahinga ng ilong niya, sa totoo lang, kaya immune na immune na siya sa kabahuan!

“E, di nga ba, mahilig mag-alaga ng pusa ang ex niya? Lahat na lang ng pusang nakikita sa kalye ng girl, e, iniuuwi niya sa condo na tinitirhan nila ng male personality?

“Natural, kesehodang nasa terrace pa nila ang sangdamakmak na pusa, e, naaamoy pa rin niya ang mga jebs na super-baho! Pinag-aawayan nga nila ‘yun, kaso, ipinaglihi yata sa pusa ang ex niya, kaya ayaw tumigil sa pag-aalaga ng mga pusa!” humahagalpak na kuwento ng chikadora naming source.

Ang kumalat ngang balita ay isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. Hindi gusto ng male personality ang pakialamerang madir ng aktres pero kasali sa mga dahilan ang sangkaterbang pusa na alaga ng girl.

“Kahit kasi tapos nang magtrabaho ang guy, e, hindi pa rin siya umuuwi, nagpupunta muna siya sa bahay ng mga kaibigan niya para magpatay ng oras.

“Pag-uwi niya nga naman kasi, e, maaamoy na naman niya ang mga jebs ng mga pusa, kaya hindi na naman siya makahinga, ang bahu-baho ng paligid!

“Naku, nakakaloka ang buhay nila nu’n, matigas ang ulo ng girl, kaya ayun, nauwi sa wala ang relasyon nila! Pang-kids ang pangalan ng ex-magdyowang ito, nakikita sila sa Disneyland!” tawa pa rin nang tawang kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending