Dennis binanatan ng bashers sa selfie photo kasama si Bong | Bandera

Dennis binanatan ng bashers sa selfie photo kasama si Bong

Ervin Santiago |January 23,2019
facebook
share this

Dennis binanatan ng bashers sa selfie photo kasama si Bong

Ervin Santiago - January 23, 2019 - 12:20 AM


NILAGYAN agad ng malisya at kulay-politika ng ilang netizens ang litratong ipinost ni Dennis Trillo sa kanyang Instagram account kasama ang dating senador na si Bong Revilla.

Ito ang caption ni Dennis sa kanyang IG photo with Bong, “Alyas Pogi w/ Elias Pogi! #anakngteteng #returnofthecomeback!” Elias ang pangalan ng karakter ni Dennis sa GMA series na Cain At Abel.

May mga bashers na nagsabing ang aga-aga raw mamolitika ni Bong at ginamit pa si Dennis at meron ding nagkomento na bakit sinusuportahan ng Kapuso Drama King ang isang tulad ni Bong na nasangkot sa kung anu-anong kaso sa gobyerno.

Balitang nagkasabay ang dalawa sa eroplano matapos dumalo sa Sinulog Festival ng Cebu City last Sunday at dahil nagkatabi nga sa upuan, nagpakuha sila together.

In fairness, bihirang pumatol sa mga basher si Dennis pero mukhang napikon ang aktor sa malilisyosong paratang sa kanya at kay Bong. Sagot niya sa netizen na si @mleenow, “Katabi lang sa plane relax, support agad?”

Resbak naman niya sa isang basher, “Ikaw ang hindi nag-iisip…dumbass!”

Marami rin namang nagtanggol kay Dennis laban sa kanyang mga haters.

Sey ni @instafanako, “Ang kakapal ng mga mukha ng mga nagko coment ng mga nega. Nakatabi lang sa picture ang dami ng kuda. Pati si Dennis dinamay pa sa politika. Kung ayaw nyo wag nyong tignan.. Kaloka!”

Sey naman ni @cherrygaon, “Kapag nagkasalubong o nakatabi sa upuan susuporta agad? Hindi ba pwedeng idol mo dahil magaling na actor.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending