Maymay wala pa ring arte sa katawan kahit sikat na: Kung ano ako noon walang nabago
ISA-ISA nang naaabot ni PBB Lucky Season 7 big winner Maymay Entrata ang kanyang nga pangarap, isa na nga riyan ang pagiging professional fashion model.
Bukod sa pagiging isa sa mga kabataang celebrity na mabentang-mabenta ngayon bilang product endorser sa mga TV commercial, looking forward din ang fans ni Maymay na magtuluy-tuloy ang kanyang career sa modelling.
In fairness, nagmarka sa buong universe ang ibinigay na exposure sa Kapamilya star sa 2018 Arab Fashion Week last year kung saan pinatunayan niyang may karapatan ding rumampa ang mga kabataang Pinay sa international fashion show.
Kitang-kita rin sa mga Instagram posts ng dalaga ang pagiging natural na modelo, lalo na ang mga nakakaaliw na paandar niya sa kanyang mga selfie photos.
Pero mariing itinanggi ni Maymay na simula nang maging artista siya at mapansin sa rampahan ay naging conscious na siya sa kanyang itsura at pananamit. Aniya, naging mas aware lang siya sa mga dapat niyang isuot sa iba’t ibang okasyon at events.
“Hindi man po! Wala po akong pakialam! Para sa akin kung sino po ako kung saan nila ako nakilala doon lang talaga ako,” kuwento ni Maymay sa panayam ng ABS-CBN.
Kaya naman daw niyang pagsabayin ang pag-aartista at pagmo-model at kung may mga bagong oportunidad sa mundo ng fashion, handa siyang tanggapin uli ang hamon.
“Pero kung may mga blessing po ulit tulad nito, tatanggapin ko po at ibibigay ko ang best ko,” ani Maymay.
Para sa milyun-milyong fans ni Maymay at ng ka-loveteam niyang si Edward Barber, marami kayong dapat abangan ngayong taon, kabilang na riyan ang bago nilang album at bagong teleserye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.