Horoscope, January 23, 2019

By Madam Sophia January 23,2019
share this

Horoscope, January 23, 2019

By Madam Sophia January 23,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2019 umpisahan mo ng palaguin ang iyong kabuhayan, siguradong papabor sa iyo ang langit, sa ayaw at sa gusto mo kusang lalago ang kabuhayan mo. Sa pag-ibig, hindi makakaabala ang kasuyo sa pagpapayaman. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito ng 2019 hindi ka dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa kawalang ingat may malaking problemang magaganp. Sa pinag-isipang pagpapasya, darating ang malaking suwerte at magagandang kapalaran lalo na sa pera at sa pag-ibig. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ipatupad mo na ngayon ang kasabihang: “Habang maikli ang kumot matutong mamaluktot.” Ibig sabihin, hindi ka dapat na maging magastos sa taong ito ng 2019. Kapag maingat ka sa paggasta, mas madali kang uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa taong ito ng 2019 lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon, at sa pagkain upang mas madaling umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, habang patuloy na lumalamig ang panahon, lalo namang iigting at sasarap ang relasyon. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. White at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ngayon pa lang plinaplano mo na ang pakikipag-date sa kasuyo. Piliin ang mga lugar na mapuno, mahangin, tahimik, at malapit sa kalikasan. Sa ganyang paraan lalong iinit ang pagmamahalan. Sa pinansyal, magtipid, upang maraming pang-gastos sa darating na Valentine’s day. Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu- Purana-Om.” Green at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong ito ng 2019, berde, dilaw at pula ang mapalad na kulay na dapat mong laging gamitin sa negosyo at maging sa pag-ibig man upang magtuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, tandaang ang pagiging tapat sa kasuyo ay nagbubunga ng kaligayahan, habang sa pananalapi, ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ay nagbubunga naman ng pagyaman. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”. Gray at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi laging sagana ang buhay, nauubos din ang pera kaya naman sa taong ito ng 2019 subukang mag-ipon. Sa pag-ibig, wag tipirin ang minamahal, dahil libre naman ang page-express ng pag-ibig at romansa. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Tuloy-tuloy ang ugali mong pagiging dominante, pero dapat bawas-bawasan mo ito. May babala na sa taong ito ng 2019, marami ka na namang makakabangga at marami ang maiinggit sa iyo. Magpasalamat sa isang Cancer na laging naka-alalay sa iyo at lagi kang sinusuportahan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mahirap talagang mawalay sa minamahal ngunit kailangan mong gawin para sa ikauunlad ng inyong kabuhayn. Sa muli nyong pagkikita may napakasarap na romansang magaganap. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Purple at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa negosyo sa taon ito ng 2019 laging maging tapat sa kausap upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong maangas darating ang panahong mapapasunod mo rin siya. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Yellow at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Panahon na upang mag bagong buhay. Ang pormula: “limutin ang nakaraan at hindi dapat iniisip ang darating.” Mabuhay ka at mag-concentrate sa kasaluyan. Sa ganyang paraan ikaw ay uunlad at habang buhay na mapapa sa iyo ang kaligayahan. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa taong ito ng 2019 wag kang masyadong mabahala sa future. Sabi nga ng mga Christian: “Si God ang bahala dyan.” Sa pag-ibig, yakapin ng mahigpit ang kasuyo at ang mga mahal sa buhay, isiping mong ito na ang huling araw upang ipadama ang iyong wagas na pagmamahal. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending