Paandar na ’10 month challenge’ ni Jo Berry pinusuan ng netizens

January 22,2019
share this

Paandar na ’10 month challenge’ ni Jo Berry pinusuan ng netizens

January 22,2019
share this


HINDI rin nagpahuli ang lovable Onanay lead star na si Jo Berry sa viral ngayong “10 year challenge” sa social media.

Sa kanyang recent post sa Instagram, ibinahagi ni Jo ang kanyang litrato na kuha sa loob ng GMA building. Ayon sa Kapuso actress, kung ang iba ay picture nila 10 years ago ang ipino-post, very proud naman niyang ipinost ang litrato niya 10 months ago kung kailan siya nagsimula bilang artista.

Paliwanag ng dalaga, ito ang photo niya nu’ng dumalo siya para sa story conference ng Onanay. Very proud and happy siya dahil hanggang ngayon ay napapanood pa rin ito sa primetime at patuloy na humahataw sa TV ratings.

Nagpasalamat din si Jo sa lahat ng tumulong sa kanyang journey bilang isang artista lalo na sa kanyang fans at avid viewers ng Kapuso drama series.

Samantala, lalo pang dapat tutukan ang top-rating series na Onanay dahil marami pang mas madadrama at “maaksyong” tagpo at rebelasyon sa buhay ng mag-iinang Onay (Jo), Natalie (Kate Valdez) at Maila (Mikee Quintos).

At ngayong nakalaya na si Helena (Cherie Gil) kapalit ng pagsama nito sa tunay niyang ina na si Onay, papayag na lang ba siyang basta mawala ang pinakamamahal na apo? Knowing Helena, siguradong may resbak na naman yan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending