Final answer: ‘Born Beautiful’ nina Martin at Paolo R16 na

January 22,2019
share this

Final answer: ‘Born Beautiful’ nina Martin at Paolo R16 na

January 22,2019
share this


PINAGBIGYAN ng MTRCB ang hiling ng mga producer ng pelikulang “Born Beautiful” na ibaba sa R16 ang rating nito mula sa R18.

Sa second viewing na isinagawa ng MTRCB reviewers sa pelikula, nagkaisa sila na gawin na itong R16. Si MTRCB Chair Rachel Arenas mismo ang nag-facilitate ng final deliberations (pero wala siyang voting right).

Dahil dito, pwede nang ipalabas sa mga SM cinema ang “Born Beautiful” na pinagbibidahan ni Martin del Rosario with Paolo Ballesteros, Akihiro Blanco and Kiko Matos.

Narito naman ang pahayag ni Perci Intalan, ang direktor at producer ng pelikula, “Maraming-maraming salamat sa MTRCB, kasi, after the UP screening, they heard the overwhelmingly positive reaction mula sa lahat ng nakapanood and they were open to reviewing the film and finally granted us an R-16 rating!

“Salamat kay Chair Rachel! Yehey! Puwede nang ipalabas sa SM cinemas ang beautiful film na ito, kung saan agaw-eksena sina Lou Veloso, Paolo Ballesteros at Chai Fonacier!
Mabuhay!”

In fairness, pinalakpakan ang pelikula matapos ang premiere night nito last Friday. Talagang hagalpakan ang lahat ng mga nanood sa UP Cine Adarna. Puring-puri ng lahat si Martin at iba pang members ng cast nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending