Angel binabayaran ng ABS-CBN kahit walang trabaho | Bandera

Angel binabayaran ng ABS-CBN kahit walang trabaho

- January 20, 2019 - 12:01 AM


KAHIT  limang taong hindi gumawa ng sariling teleserye si Angel Locsin, tuloy pa rin daw ang pagsweldo niya sa ABS-CBN.

Ito ang inamin ng aktres sa nakaraang presscon ng The General’s Daughter. Natanong kasi ang dalaga kung ano ang feeling na ngayon lang uli siya magbibida sa isang napakalaking proyekto na sinasabing “the biggest series” ngayong 2019.

“Honestly, hindi naman po, kasi sumusuweldo naman po ako kahit wala akong ginagawa. So okay lang po sa akin. Kumbaga, mas favor sa akin ‘yon. So ngayon, kailangan ko na raw po mag-work kasi five years na po akong sumusuweldo,” natatawang pahayag ni Angel.

Aniya pa, “I think ito ‘yung perfect moment na babalik po ako ng teleserye, kasi nandito po lahat ng dream kong makatrabaho. Kung alam n’yo lang po ‘yung excitement ko noong nagkita-kita kami sa story conference, hindi po ako nakapagsalita talaga.”

Makakasama ni Angel sa TGD sina Albert Martinez, Tirso Cruz III, Eula Valdez, Janice de Belen at Maricel Soriano. Nandiyan din sina Paulo Avelino, JC de Vera, Arjo Atayde, Ryza Cenon at ang tambalan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

“Sa mga kasama mo sa show, doon pa lang makikita mo na na napakaimportante ng teleserye na ‘to, so kailangan mong mag-set up talaga,” hirit pa ni Angel.

Ito ay sa direksyon nina Manny Palo at Mervyn Brondial at mapapanood na bukas sa Primetime Bida kapalit ng Ngayon At Kailanman.

Samantala, natanong din si Angel kung ano ang masasabi niya sa “Action-Drama Queen” title na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Aniya, nahihiya siya sa nasabing titulo.

“Tapos dalawa pa, ‘no? Medyo naninibago po ako, honestly. Nasanay ako na walang title. Kahit ‘yung pagtawag sa ‘yo na ‘queen,’ ayaw ko po kasi talaga ng ganu’ng title. Maraming, maraming salamat po, kung tingin n’yo na pasok ako doon. Thank you so much, kasi ginagawa ko po talaga ‘yung trabaho ko para ma-please kayo,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending