Kiray: Bubble Gang ang dream show ko sa GMA, walang makakapantay!
KUNG may isang Kapuso show na gustung-gusto ni Kiray Celis, yan ay walang iba kundi ang gag show na Bubble Gang.
Bata pa lang siya ay super fan na siya ng adult comedy program ng GMA kaya pinangarap din niya na maging bahagi nito someday. At hindi naman ito imposibleng mangyari dahil certified Kapuso star na ngayon ang komedyana.
Sa panayam ng Tonight With Arnold Clavio ng GMA News TV kay Kiray, sinabi nitong feel na feel na niya ang pagiging Kapuso dahil sunud-sunod na ang proyektong gagawin niya sa network.
Isa na nga rito ay ang inaabangan ng teleserye nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion, “Kasama po ako sa bagong show or bagong team-up nina Gabby Concepcion and Jennylyn Mercado soon yan sa GMA.”
Napanood na rin si Kiray sa Dear Uge at ka-join din siya sa weekly fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko.
“Sobrang happy ako ang saya ng puso ko. Nakaka-happy pala ng puso dito promise! I feel so special and very blessed talaga. Ang saya kasi sobrang nice nila, very friendly and parang everytime laging nagpapakilala sa akin,” pahayag pa ng komedyana.
Dito na nga ibinandera ni Kiray na ang dream show niya ever since kahit noong nasa kabilang network pa siya ay ang Bubble Gang na pinagbibidahan ng Kapuso comedy genius na si Michael V.
“Dream ko talaga ever since na bata pa ako Bubble Gang. Sobrang fan ako ng Bubble Gang as in kasi everytime na mayroong mga awards night, ‘yung laging kalaban nung Bubble Gang is ‘yung show namin sa kabila (Goin Bulilit).
“Tapos nu’ng bata kami parang nadi-dissappoint kami, ‘Bakit ‘di tayo nanalo?’ E, hindi namin alam na sobrang tagal na pala nila, ang tatanda na nila.
“Du’n ko lang nalaman na tumanda ako, sabi ko, iba talaga! Legend talaga ang Bubble Gang walang makakapantay sa Bubble Gang,” chika pa ni Kiray.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.