Janine, Enchong walang kaarte-arte sa halikan | Bandera

Janine, Enchong walang kaarte-arte sa halikan

Bandera |January 19,2019
facebook
share this

Janine, Enchong walang kaarte-arte sa halikan

Bandera - January 19, 2019 - 01:05 AM

JANINE GUTIERREZ AT ENCHONG DEE

Excited na sina Enchong Dee at Janine Gutierrez sa nalalapit na showing ng pre-Valentine movie nilang “Elise” under Regal Films directed by Joel Ferrer. Napanood na namin ang buong trailer ng pelikula at in fairness, naaliw naman kami nang bonggang-bongga.
Ayon kay Janine, ito ang klase ng proyekto na matagal na niyang gustong gawin, ‘yung maraming kabataan ang makaka-relate sa kuwento at sa mga karakter. Hindi raw ito ang unang pagsasama nila ni Enchong sa movie.
“Nagkatrabaho na kami sa ‘Lila.’ Patayan kasi iyon at ibang-iba iyon sa movie namin ngayon. Actually, nakita ko ang difference noong karakter niya rito. Sobrang bumagay sa kanya ang role.
“Noong binasa ko nga ang script, may pagkanerdy-nerdy pero sa totoong buhay, ibang-iba siya kay Enchong na maangas, magaling sumayaw, outgoing, madaldal. Na-discover ko rin na magaling palang magpatawa si Enchong,” kuwento ni Janine sa nakaraang presscon ng “Elise”.
At dahil matagal na silang magkaibigan ni Enchong, hindi na sila nagkailangan sa mga intimate scenes nila sa “Elise”, “Si Enchong kasi, iba na iyong level of comfort namin. Sanay na kami sa isa’t isa. Kumportable na kami kaya naging madali ang trabaho namin.”
Pinuri rin ni Enchong ang professionalism ni Janine, “Iisipin nila na dahil magkaibang station magkaiba ‘yung atake nila, iba ‘yung working attitude nila. Janine is actually very easy and fun to be with especially off cam.
“Kung mapapanood niyo ‘yung Elise mapapansin niyong ang gaan namin kapag magkasama kasi ganu’n din yung chemistry namin as friends. It was a breeze. Actually, ito na yata yung pinakamadaling pelikulang nagawa ko kasi ang dali kasama ni Janine,” ani Enchong.
Based on true accounts ang kuwento ng “Elise” kung saan gagampanan ni Janine ang role ni Elise, isang palabang babae na first love ni Enchong. Ano nga ba ang maaaring mangyari kung magkrus muli ang landas n’yo ng iyong first love?
Makakasama rin sa “Elise” sina Victor Anastacio, Miko Raval, Miel Espinosa at Miss World Philippines Laura Lehmann. Showing na ito sa Feb. 6 nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending