Pagsabak ni Enchong sa politika joke lang: Gusto ko ng tahimik na buhay…
JOKE, joke, joke! Yan ang sagot ni Enchong Dee sa tanong ng madlang pipol kung totoong binalak niya sanang tumakbo ngayong 2019 mid term elections.
Isa ang aktor sa mga iilang celebrities na very vocal sa kanyang political beliefs, wala siyang takot na nagkokomento tungkol sa mga nangyayari sa gobyerno, kahit na alam niyang bubugbugin siya ng bashers sa social media.
Sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikula, ang “Elise” mula sa Regal Entertainment kasama si Janine Gutierrez, sinabi ni Enchong na wala siyang planong pasukin ang politika. Hindi totoong tatakbo sana siya for an elective post sa kanyang hometown sa Naga City.
Aniya, nag-joke lang siya tungkol dito, “I was in Sweden nung nagtatanong kung sino sa mga artista ng ABS ang tatakbo for this coming election. It was just a joke within our Star Magic family, not knowing na after ko pala mag-joke, sinabi na ng Star Magic sa news na tatakbo ako.”
Dugtong pa ng Kapamilya actor, “No, no, no. Hindi po ako tatakbo. Every now and then, I would encounter people from ABS-CBN na sinasabi sa akin, sayang na hindi natuloy. I am sorry, it was a joke.”
Aniya pa, “Gusto ko tahimik ang buhay ko. Pakiramdam ko mas marami akong matutulungan kung wala ako sa politika talaga, and at least sarili kong pera ang ginagamit ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.