Xian gustong budburan ng asukal si Louise: Para maging sweet naman! | Bandera

Xian gustong budburan ng asukal si Louise: Para maging sweet naman!

Reggee Bonoan |January 19,2019
facebook
share this

Xian gustong budburan ng asukal si Louise: Para maging sweet naman!

Reggee Bonoan - January 19, 2019 - 12:10 AM

XIAN LIM AT LOUISE DELOS REYES

AWARE ang mga bida ng pelikulang “Hanggang Kailan” na sina Xian Lim at Louise delos Reyes na may partners na sila in real life kaya inalagaan nang husto ang intimate scenes nila.

Natanong kung may spark ba silang naramdaman sa isa’t isa habang ginagawa ang kanilang love scenes sa pelikula, natawa muna ang dalawa bago sumagot.

Kuwento ni Louise, “Wala, kasi nang-aasar pa nga ‘yan na bubudburan daw niya ako ng asukal kasi sobrang binabara-bara ko siya.”

“Oo wala, I think our relationship is very professional. Stays in a professional level. Siguro dumating lang kami na close na kami pero alaskadong-alaskado ako kay Louise dito. Talagang sabi ko, ‘Direk parang kailangan namin ng konting asukal dito kasi sana may konting sweetness man lang. I don’t think hindi umabot sa ganu’n (ma-develop),” kuwento naman ni Xian.

Dagdag ng aktres, “And we also respect each other’s partner in real life. So ‘yung bond namin sa Japan, friendship lang talaga, kumbaga trabaho lang. Pero marami na akong alam na sikreto ni Xian.

Ha-hahaha!”

Ibinuking din ni Louise na sobrang diet si Xian sa Japan dahil hindi kumain ng kanin at panay ang workout dahil nag-prepare raw sa intimate scenes nila.

Natanong ang dalawa kung anong hindi nila malilimutan habang nasa Japan, “Yung pagiging respectful ng mga tao, sa buong Japan naman sobra silang maalaga they had this respect for each other and ‘yung beauty ng Japan ay sobrang madrama sa conflict na nangyayari sa characters namin.

“Being there for 10 days ang dami naming na-experience, ‘yung mga traditions nila, what to do and not what to do,” kuwento ni Xian.

Si Louise naman, “Ako kasi kapag pumupunta ako sa ibang bansa mas gusto ko ‘yung hindi napupuntahan ng mga tao, ‘yung hindi nakikita sa postcard o Instagram ng kung sinumang blogger.

“‘Yung Saga kasi parang probinsya at sobrang tahimik, sobrang linis, first time ko sa Japan kaya talagang na-amaze ako and may pinuntahan kami na maraming onsen (hot springs),” kuwento ng aktres.

Speaking of onsen, natanong din ang dalawa kung naligo sila roon at kung pareho silang nakahubad dahil iyon ang patakaran kapag lumusong ka.

“Hinimatay po si Louise do’n. Ha-hahaha!” pambubuking ni Xian.

“Hindi naman, sobra naman ‘to. ‘Yung onsen po kasi, ilang minutes lang dapat, nag-shoot kami mga two hours na kaming nakababad at sa sobrang init niya, mahina ako sa ganyan. Okay ako sa lamig, pero pag sobrang init, nakatulog ako as in nakatulog talaga ako,” pag-amin ng aktres.

Dagdag kuwento naman ni Xian, “Si Louise kasi nagre-rehearse palang kami sobrang excited na siya, so sumampa na siya sa onsen at hindi niya napansin na mga 30 to 40 minutes na siya ro’n, sabi niya, ‘wait lang nahihilo ako.’ Tapos nakatulog na pala siya, relax na relax siya.”

At sa tanong kung nakahubad sila pareho, “May protection po kaming suot, makikita na lang nila sa movie,” saad ng dalaga.

Samantala, isa rin si Xian sa mga producer ng “Hanggang Kailan” at aminado siyang naglabas siya ng pera rito.

Anong klaseng producer si Xian? “Sobrang hands-on kasi ako, eh. Artista kasi ako, so ang taas ng level na nararamdaman ko pag may kailangan ang mga tao sa paligid. What makes everyone feel comfortable ibinibigay ko hanggang sa kaya.

“But ‘yun naramdaman ko rin naman from my end na, ‘wala talaga.’ Pero this time around, kung ako naman po ang kasali sa pelikula at in terms of production hangga’t sa kaya kong ibigay, ibibigay ko talaga,” sabi pa ng binata.

In fairness ha, hindi tinipid ni Xian ang production staff niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Peb. 6 na ang showing ng “Hanggang Kailan” na idinirek ni Bona Fajardo para sa Viva Films, BluArt Productions at XL8.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending