Kylie nasapak sa taping ng ‘TODA One I Love’
NASAPAK nang hindi sinasadya si Kylie Padilla sa mukha habang ginagawa ang isang eksena sa upcoming series ng GMA na TODA (One I Love).
At bukod sa sapak, nagalusan din ang braso ng Kapuso actress nang magpagulung-gulong sa lupa, huh!
Traysikel driver ang character ni Kylie sa comeback series niya. Astang lalaki ang dating niya kaya may mga eksena siyang nakikipagbakbakan sa mga lalaki.
Pero sa kabila ng aksidente, pinairal pa rin niya ang pagiging propesyonal dahil kahit nasaktan, lumarga pa rin siya sa taping matapos tulungan ng mga nakaistambay na medics sa taping.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.