Audio clip nina Kris at Nicko Falcis wa epek sa korte, pero... | Bandera

Audio clip nina Kris at Nicko Falcis wa epek sa korte, pero…

Cristy Fermin |January 17,2019
facebook
share this

Audio clip nina Kris at Nicko Falcis wa epek sa korte, pero…

Cristy Fermin - January 17, 2019 - 12:30 AM


HINDI na nag-aksaya ng panahon si Kris Aquino, umamin siya agad na oo, siya nga ang kausap sa kabilang linya ng isang taong pinagagalitan niya.

Kalat na kalat na ang audio clip nila ni Nicko Falcis, ang dati niyang business partner na sinampahan niya ng kaliwa’t kanang asunto, pinagpipistahan na ‘yun ng buong bayan ngayon at sa unang sultada ay mukhang dehado ang aktres-TV host sa husgado ng bayan.

Naalala ng marami ang matagal nang naganap na away nila ni dating Mayor Joey Marquez, ang sagutan nila ni James Yap, ama ng kanyang bunsong si Bimby.

Panahon ng halalan nu’n at natalo sa pagiging kongresista ng Parañaque si Mayor Joey.

Naapektuhan ang mga botante sa napakahabang paglilitanya ni Kris sa telebisyon tungkol sa diumano’y panunutok sa kanya ng baril ng aktor-pulitiko at panghahawa sa kanya ng STD.

Naging negang-nega rin si James Yap nang maghiwalay sila ni Kris, du’n lumutang ang linya ni Kris na isang iyak lang niya sa himpapawid at siguradong magagalit ang buong bayan sa basketbolista, na naganap nga.

Kailangang maibangon ni Kris Aquino ang kanyang pangalan at imahe sa pinakahuling kontrobersiyang ito.

Tama, hindi nga tatanggapin sa husgado ang audio clip sa pagitan nila ni Nicko Falcis dahil sa batas ng wiretapping, pero sa opinyon ng mas nakararami ay talagang sumosobra na si Kris Aquino sa pagpaparamdam ng kanyang kapangyarihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending