Maymay: Yes po, masakit pero kailangan mong magtrabaho para sa pamilya mo…
HINDING-HINDI malilimutan ni PBB Lucky Season 7 big winner na si Maymay Entrata ang pagbabakasyon niya kamakailan sa Japan. Sulit na sulit daw ang panahon at perang ginastos nila para magkasama-sama sila roon ng kanyang pamilya.
First time kasing makapunta ng Japan ang dalaga para makasama ang inang matagal nang nagtatrabaho at naninirahan doon.
“OFW kasi ang mama ko, may half-brother din po ako doon kaya first time na kumpleto kami,” kuwento ni Maymay sa isang panayam.
“Sobrang blessed ko. Masasabi ko talaga na masaya ako na napagdesisyunan ko at ginawan ko ng paraan na makauwi ako sa Japan.
“Kasi noong 2018, lahat ng mga blessings na natanggap ko, ‘yung work ko as an artist, minsan masarap sa feeling parang refreshed ka na babalik ka sa pamilya mo,” aniya pa sa interview ng ABS-CBN.
Hirit pa niya, “Hindi naman po nabitin. Siguro ngayon mas naintindihan ko na ang sitwasyon, ang sakripisyo ng mama ko para sa amin na mapalayo siya sa pamilya ko para lang matustusan kami.
“Kaya ngayon na ako na ‘yung nagtatrabaho at tumutulong na din ako sa mama ko, parang pare-pareho lang na ganu’n. Masakit pero kailangan mong magtrabaho para sa pamilya mo.”
Balik-trabaho na uli ngayon si Maymay at very soon ay mapapanood na rin ang launching teleserye at ang bagong pelikula nila ni Edward Barber.
Huling napanood ang MayWard loveteam sa MMFF 2018 entry ni Vice Ganda na “Fantastica” na siyang nanguna sa taunang filmfest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.