NAITALA ni Vice Presidente Leni Robredo ang pinakamababang net satisfaction rating nito mula noong Hunyo 2017 sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey na ginawa noong Disyembre, nakapagtala si Robredo ng 27 porsyentong net satisfaction rating (53 porsyentong satisfied, 20 porsyentong undecided at 26 porsyentong dissatisfied).
Sa survey noong Setyembre si Robredo ay nakapagtala ng 34 porsyento.
Tumaas naman ang net satisfaction rating ni Senate President Tito Sotto III na naitala sa 61 porsyento (72 porsyentong satisfied, 16 porsyentong undecided at 11 porsyentong dissatisfied) mula sa 55 porsyento noong Setyembre.
Nakapagtala naman si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ng -21 porsyentong net rating (36 porsyentong satisfied, 30 porsyentong undecided at 49 porsyentong dissatisfied).
Mas mababa ito sa -4 porsyento na naitala noong Setyembre (34 porsyentong satisfied, 27 porsyentong undecided at 38 porsyentong dissatisfied).
Si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ay nakakuha naman ng 11 porsyentong net rating (36 porsyentong satisfied, 30 porsyentong undecided at 25 porsyentong dissatisfied).
Nauna ng inilabas ng SWS ang net rating ni Pangulong Duterte na naitala sa 60 porsyento (74 porsyentong satisfied, 11 porsyentong undecided at 15 porsyentong dissatisfied) mas mataas sa 54 porsyento na naitala nito noong Setyembre.
Ginawa ang survey noong Disyembre 16-19 at kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.