DEAR Ateng Beth,
Magandang araw sa ‘yo, Ate Beth. Tawagin mo na lamang akong Aquarius27 ng Bacolod City.
May asawa po ngayon pero meron din po akong kalaguyo. Mahal na mahal ako ng kalaguyo ko. Ang kaso po ay may asawa rin siya gaya ko.
Gusto ko na sanang iwan siya, ang aking kalaguyo, pero hindi siya pumapayag na maghiwalay kami. Gusto ko na rin siyang iwan kasi may gusto rin sa kanya ang kumare ko. Ayoko silang nakikitang nag-uusap dahil nasasaktan ako.
Lagi naman niyang sinasabi na mahal niya ako. Dalawang beses na may nangyari sa amin.
Ano po ang gagawin ko? Hindi naman po pwede na hindi kami magkita kaya araw-araw kaming nagkikita kasi isa siyang kundoktor at ako naman ay nagtitinda sa terminal.
Aquarius 27
Ay jusko, Aquarius 27! Ano pa kaya ang sasabihin ko, e hindi mo naman pala pwedeng hiwalayan yang kalaguyo mo. Ayaw mo naman pala siyang iwanan, e, ano pa ang inihihingi mong payo rito?
Lahat ng rason para maghiwalay, hindi pwede. E, di go lang nang go hanggang sa mabuking kayo ng mga asawa ninyo o mabuntis ka at eventually malalaman din yan, at posibleng magdulot ng mas mabibigat at komplikadong problema. Hala ka, sumige ka pa!
Alam mo naman na ang gagawin, Aquarius27, matigas lang ang ulo mo. Sa madaling salita, ayaw mong gawin yung alam mong dapat.
Nagtitinda ka lang sa terminal, hindi ka roon nakatira. E di lumipat ka ng ibang terminal?! Dun mo ba kinukuha yung hanging hinihinga mo?
Dalawang beses na may nangyari sa inyo. Sige, paabutin mo pa ng dalawang dosena o higit pa hanggang sa magsawa siya sa ‘yo at siya na mismo ang umayaw. O kaya biruin mo na buntis ka at siya ang ama. Either iwanan ka niya o yayain kang magsama kayo.
So kahit ano ang ipayo ko sa ‘yo, kung ayaw mong sundin at ayaw mong gumawa ng tama, useless din di ba?
So gawin mo na lang yung gusto ninyong ga-win pero dapat handa kang harapin ang masalimuto na buhay sa sandaling malaman yan ng mister mo at ng misis niya.
Gudlak sa yo, ‘teh!
May suliranin ka ba tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya o career, itanong na at may sey si Ateng diyan. I-text lang sa 09989558253.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.